216 total views
Hinimok ng Integrated Bar of the Philippines ang bawat isa na makibahagi sa pananalangin para sa paggunita ng Law Day ngayong araw.
Alas-dose ng tanghali, uusalin ang ‘Law Day Prayer’ bilang pagpapahayag ng pasasalamat at pananalangin sa patuloy ng paggabay ng Panginoon sa lahat ng mga abogado at upang puspusang maisakatuparan ang mandatong itaguyod ang patas na katarungan para sa lahat.
“We thank you Father for the privilege of serving others through our profession. Thank you for giving us the courage to uphold what is true and just despite the risks and temptations that may deter us. Thank you for all those who quietly and steadfastly toil with us to make justice a reality in our country,” bahagi ng Law Day Prayer ng IBP.
Bahagi rin ng panalangin ng mga abogado sa bansa ngayong araw ang kapayapaan ng kaluluwa ng lahat ng mga hukom, abogado, prosecutors, law enforcers at workers na pinaslang dahil sa kanilang tungkulin na ilantad ang katotohanan at mabigyang katarungan ang mga naaapi sa lipunan.
Una ng tiniyak ni IBP National President Atty. Domingo Egon Cayosa ang pagbibigay ng suporta at pagpapataas na rin ng benepisyo ang lahat ng mga abogado sa bansa lalu na ang mga humahawak ng mga kaso may kaugnayan sa usaping panlipunan na maaring magdulot ng kapahamakan sa kanilang buhay.
Inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga abogado kay Hesus na laging nakahandang ipagtanggol at pangalagaan ang kapwa sa kabila ng pagiging makasalanan.