3,304 total views
Pinuri ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDefend) ang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon sa ‘war on drugs’ ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa iDefend, kahanga-hanga ang paninindigang ng ICC na bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan at walang awang pagpaslang sa ilalim ng marahas kampanya kontra ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte sa bansa.
“In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDefend) lauds the ICC decision and supports its sustained investigation into the Philippine human rights situation. We further commend the international community’s unrelenting support to the cause of justice.” Ang bahagi ng pahayag ng iDefend.
Nagpahayag rin ng paghanga ang iDefend sa mga kaanak at survivor ng war on drugs na mariing nagsulong ng pagkamit ng katarungan para sa lahat ng mga biktima ng karahasan sa bansa.
Tinukoy ng iDefend ang pagpupursige ng bawat isa upang makamit ang katarungang panlipunan at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod ng marahas na war on drugs sa bansa.
“Lastly, we commend the survivors and victims’ families whose collective courage pushes the wheels of international justice to turn. In the end their struggle benefits all of us who pray such a war, the impact of which will be felt for generations, is never imposed on us again.” Ayon pa sa iDefend.
Muli namang nanawagan ang human rights group sa kasalukuyang administrasyong Marcos na tuluyang isantabi ang marahas na war on drug ng nakalipas na administrasyong Duterte at makibahagi sa imbestigasyong isinasagawa upang bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan.
Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9 na libo katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20-libo ang mga nasawi.