172 total views
Ito ang naging pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani matapos pagtibayin ng Supreme Court En Banc ang pagbasura sa kasong plunder kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang desisyon ay hindi nangangahulugang walang ginawa ang mga hukom sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan na pagsakdal sa mga nagkasalang opisyal ng bayan.
Ayon kay Bishop Bacani, nangangahulugan lamang ito na hindi lubos na napatunayan sa harap ng hukuman ang ginawang kasalanan na ipinararatang sa isang akusado.
Gayunman, nilinaw ng Obispo na ang desisyon ng kataas-taasang hukumanan ay hindi nangangahulugang inosente ang dating Pangulong Arroyo at walang ginawang kasalanan sa halip ay hindi sapat at lubos na napatunayan ang kanyang ginawang kasalanan.
Batay sa desisyong isinulat ni Associate Justice Lucas Bersamin, 11 sa mga mahistrado ang pumabor sa pagbasura sa kaso ni GMA kaugnay sa paglustay umano sa intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na nagkakahalaga ng mahigit 300 milyong piso habang 4 na mahistrado naman ang kumontra dito.