417 total views
Naninindigan ang apat na obispo mula sa Negros provinces na dapat na mahalal na lider ng bayan ang mga kandidatong may tunay na malasakit at pagmamahal sa inang kalikasan.
Ito ang collegial statement nina San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Kabankalan Bishop Louie Galbines, Bacolod Bishop Patricio Buzon, at Dumaguete Bishop Julito Cortes para sa 2022 National and Local Elections sa May 9, 2022.
Iginiit dito ang pakikibaka ng Negros Dioceses para sa “climate justice” o lubos na pangangailangang pangalagaan ang lahat ng tao, mga nilalang, at ang mundong ating ginagalawan.
“It is in this context that the dioceses recognize the importance of the upcoming election in 2022 in shaping our future engagements in dealing with the climate crisis, knowing full well the power and influence that our elected leaders can contribute to saving our ecological patrimony or on the contrary, endangering further the integrity of our nation’s natural resources,” pahayag ng Negros Bishops.
Umaasa naman ang simbahan sa pamahalaan na pakinggan ang bawat hinaing ng mamamayan at kalikasan gayundin ang pagtatangol sa karapatang pantao, at bigyang-pansin ang kahalagahan ng agham sa pag-unlad ng lipunan.
Hangad din ng simbahan sa mga lider ng pamahalaan na igalang at magpapatupad ng naaangkop na proseso habang itinataguyod ang kabutihan at katarungan sa mga umiiral na batas sa bansa.
“We seek a government that promotes national unity, preserves our patrimony, and rises in defense of our sovereignty,” ayon sa pahayag.
Dalangin rin ng mga obispo na ang bawat mamamayan at mga kandidato ay maging responsable sa magiging resulta ng halalan habang pinagninilayan at inuunawa ang magiging epekto nito para sa kinabukasan ng bayan.
“May this momentous event give rise to a government that is true of the people, by the people, and for the people. We pray that the unified voices of the Filipinos for accountable and honest leadership give birth to true progress. This is our chance to be heard,” dalangin ng mga obispo.