Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ihanda ang mga layko sa Great Jubilee Year 2025, misyon ng National Laity week 2025

SHARE THE TRUTH

 12,018 total views

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging epektibo at makabuluhan ang paggunita ng Pambansang Linggo ng Laiko o National Laity Week 2024 ngayong taon upang maihanda ang bawat layko sa nakatakdang Great Jubilee Year 2025.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Dipolog Bishop Severo Caermare – chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa paggunita ng National Laity Week na nagsimula noong ika-21 hanggang ika-28 ng Setyembre, 2024.
Ayon sa Obispo, layunin ng taunang pagsasagawa ng Pambansang Linggo ng Laiko na ipaalala at ipadama sa mga layko ang kanilang kahalagahan sa pakikiisa bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.

Binigyang diin ni Bishop Caermare na kaakibat ng pagiging binyagan ang pagiging misyonero na nagpapahayag ng Mabuting Balita sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay lalo’t higit sa pamamagitan ng pananalangin.
Tema ng National Laity Week 2024 ay “Laity united in prayer as Pilgrims of Hope” na layuning isulong ang pagkakaisa ng mga laiko sa pananalangin bilang daluyan ng pag-asa.

“As we celebrate the National Laity Week 2024 and embracing the theme “Laity united in prayer as Pilgrims of Hope”, we are reminded of the vital role of the laity’s in the mission and life of the church. As laity you are called to be active participants in the mission of the church within your family and in the community. This mission flows from our baptism and empowered by prayers. Our prayers are powerful. For our prayers unite us not only with each other but with the entire communion of saints.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Caermare.

Paliwanag ni Bishop Caermare, kabilang sa pangunahing intensyon ng pagtitipon ang maisulong ang pagkakaroon ng mas malalim na relasyon ng bawat isa sa Panginoon sa pamamagitan ng higit na pagsusulong ng kahalagahan ng pananalangin sa buhay.

Pagbabahagi ng Obispo, mahalaga ang paglalaan ng regular na buhay pananalangin sapagkat ang panalangin ay maituturing na hindi lamang isang armas at pananggalang kundi daluyan ng lakas at pag-asa mula sa Panginoon lalo’t higit sa gitna ng mga hamon at pagsubok sa buhay.

Iginiit din ni Bishop Caermare ang kahalagahan ng buhay panalangin upang hindi malayo at tuwinang manatili sa landas patungo sa Panginoon.

Nagsimula ang paggunita ng National Laity Week noong ika-21 ng Setyembre, 2024 sa St. Michael’s Institute Auditorium, Bacoor, Cavite sa Diyosesis ng Imus habang nakatakda naman ang closing event ng Pambansang Linggo ng Laiko sa ika-28 ng Setyembre, 2024 na isasagawa naman sa Archdiocese of San Fernando, Pampanga.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Be Done Forthwith

 13,523 total views

 13,523 total views Kapanalig, ito ang binibigyan-diin ng Article XI, Section 3, paragraph 4 ng 1987 constitution na kautusan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso o Senado sa aksyon sa isang impeachment case na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso o Kamara. Malinaw na kapag natanggap ng Senado ang verified complaint o impeachment resolution na inihain

Read More »

Sino Ang Nagsi-Sinungaling

 21,860 total views

 21,860 total views Sa ating bansa, usong-uso ang price hike… lahat na lamang ng pangunahing bilihin at serbisyo publiko., tumataas ang halaga o presyo. Ang sagot nating mga Pilipino, maghigpit ng sinturon. Paano naman Kapanalig kung wala kang pambili? Nagdeklara na ang Department of Agriculture ng national food security emergency. Katwiran ng DA, upang matugunan ang

Read More »

A Total Disaster

 24,261 total views

 24,261 total views Give voice to the voiceless! Dalisay ang hangarin ng mga framers ng 1987 Philippine Constitution o Saligang Batas ng Pilipinas… Ang magkaroon ng kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga mahihirap at under-privileged na mga Pilipino. Dahil sa pangarap na ito, naisabatas ang Partylist System Act o Republic Act No.7941 noong 1991

Read More »

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 36,190 total views

 36,190 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »

Para sa mga isinasantabi at hindi napakikinggan

 43,989 total views

 43,989 total views Mga Kapanalig, bilang mga mananampalataya, tayo ay inuudyukang “ipagtanggol… ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap,” gaya ng sabi sa Mga Kawikaan 31:8-9.  Ano ang itsura nito sa araw-araw?  Makikita ito sa mga estudyanteng pinoprotektahan ang kanilang kaklase mula sa mga bully, sa mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagsusulong ng mga paaralan sa diwan ng EDSA People Power, pinuri ng SCMP

 1,266 total views

 1,266 total views Pinuri ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at iba pang mga educational institutions sa bansa na nagpahayag ng paninindigan sa patuloy na pagsusulong ng diwa ng EDSA People Power Revolution. Ayon kay SCMP National Chairperson Kej Andres, mahalaga ang paninindigan ng mga institusyong

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Church Leaders Council for National Transformation, magra-rally sa EDSA People Power monument

 2,032 total views

 2,032 total views Nakatakdang magkaisa ang iba’t ibang denominasyon ng Simbahan para sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ayon kay Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang EDSA ay isang patuloy na paalala sa pambihirang kapangyarihang tinataglay ng taumbayan na hindi dapat na isantabi at ipagsawalang bahala

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Total disaster ang Partylist System Act, total overhaul, iminungkahi ng Obispo

 2,017 total views

 2,017 total views Dismayado si 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa kinahinatnan ng Republic Act No. 7941 o Party-List System Act. Ito ang ibinahagi ng Obispo kaugnay sa pamamayagpag ng mga bogus partylist sa nalalapait na Midterm Elections sa darating na ika-12 ng Mayo, 2025. Ayon kay Bishop Bacani, maituturing na isang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Muling pag-alabin ang diwa ng EDSA People Power bloodless revolution-CEAP

 2,097 total views

 2,097 total views Naniniwala ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nananatiling buhay at napapanahon ang diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution sa kasalukuyan. Ito ang mensahe ng pambansang asosasyon ng mga Katolikong paraalan sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero. “The Catholic Educational Association

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pope Francis, ipinasailalim sa mapagpagaling na kamay ng Panginoon ng CBCP-ECPCF

 2,260 total views

 2,260 total views Ipinapalangin ng tagapangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino na mapasailalim sa pangangalaga at mapagpagaling na mga kamay ng Diyos ang Kanyang Kabanalan Francisco na naospital dahil sa respiratory infection. Bukod sa pananalangin para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis ay partikular ding

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Prayers for Pope Francis, panawagan ng opisyal ng CBCP

 3,683 total views

 3,683 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananalangin para sa tuluyang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco matapos na maospital noong February 14, 2025. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Youth chairman Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, mahalaga ang sama-samang pananalangin ng bawat mananampalataya para sa kagalingan ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Muling pag-aaral sa Comprehensive Sexuality Education, pinuri ng CEAP

 4,445 total views

 4,445 total views Nagpahayag ng suporta ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa muling pagsusuri ng pamahalaan sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga stakeholder. Kinilala ng CEAP ang inisyatibo ni Education Secretary Sonny Angara ang pagkakaroon ng bukas na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor upang matiyak na ang patakaran

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Candy giving campaign, isasagawa ng Pro-Life Philippines sa Valentines day

 5,874 total views

 5,874 total views Magsagawa ng pagkilos na tinaguriang Candy-Giving Campaign ang mga Pro-life Youth upang mapigilan ang paglaganap ng makamundong diwa ng Valentine’s Day sa February 14, 2025. Ayon kay Pro-life Philippines board member Nirva Delacruz, bilang tugon sa kadalasang pagpapalaganap ng makamundong diwa ng Araw ng mga Puso ay magsasagawa ng ‘candy-condom swap’ ang mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Election laws, pinapaamyendahan ng PPCRV

 6,548 total views

 6,548 total views Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga kandidato sa Midterm National and Local Elections na sumunod sa mga campaign rules ng Commission on Elections (COMELEC). Ayon kay PPCRV Chairperson Evelyn Singson, dapat na sumunod ang mga kandidato sa mga panuntunan ng COMELEC ngayon opisyal ng nagsimula ang campaign period

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Misyon ng PPCRV sa pagbabantay ng halalan: Paglilingkod, pagmamahal para sa bayan at sa kapwa

 7,077 total views

 7,077 total views Kinikilala ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na maituturing na paglilingkod at pagmamahal sa bansa at sa kapwa ang ginagawang pagbabantay ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa tuwing may halalan sa bansa. Ito ang mensahe ng arsobispo sa ikatlong novena mass para sa PPCRV Prayer Power na inisyatibo ng pangunahing

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

LENTE at COMELEC, lumagda sa MOA

 7,718 total views

 7,718 total views Opisyal na lumagda ng kasunduan ang Legal Network for Truthful Election (LENTE) at Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo. Pinangunahan ni LENTE Senior Program Director for the Abuse of State Resources Project Atty. Ryan Jay Roset ang paglagda sa Memorandum of

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 53,076 total views

 53,076 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 53,148 total views

 53,148 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 53,767 total views

 53,767 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 53,625 total views

 53,625 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top