764 total views
Kinilala ng pamahalaang lunsod ng Maynila si San Lorenzo Ruiz bilang isa sa natatanging Manileño na naghatid ng karangalan sa lunsod.
Sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng pagiging santo ni San Lorenzor Ruiz, ipinagkaloob ng lunsod ang very special distinction sa santo sa pamamagitan ng Resolution No. 181 na iniakda ni Councilor Niño dela Cruz.
Pinagtibay ng konseho ng Maynila ang panukala noong September 27 sa bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz kung saan binigyang diin ang karangalang dala ng banal para sa lungsod ng Maynila dahil sa paninindigan sa pananampalatayang kristiyano.
“Resolution No. 181 declared San Lorenzo Ruiz’s canonization as “a proud moment for the city” and described him as “an extraordinary Manileño” who’s worthy of admiration and recognition now and beyond.” ayon sa ibinahaging pahayag ng Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz.
Ang pagkilala ay pinangunahan ni Manila Mayor Ma. Sheila Lacuna- Pangan kasama si Vice Mayor Yul Servo at council members na ginanap sa Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz sa Binondo Manila noong October 14 kasabay ng enthronement ceremony.
Si San Lorenzo Ruiz ang kauna-unahang santong Pilipino na pinaslang sa Nagazaki Japan dahil sa paninidigan sa pananampalataya kasama ang iba pang mga martir.
October 18, 1987 nang ganapin ang canonization ng Pilipinong banal sa Vatican sa pangunguna ni noo’y santo papa, St. John Paul II.
Si San Lorenzo Ruiz ay tinaguriang pintakasi ng kabataang Pilipino, OFW, at mga altar server.