192 total views
Naghandog ng panalangin ang Diyosesis ng Borongan kasabay ng paggunita sa ika-5 taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa malaking bahagi ng Kanlurang Kabisayaan partikular sa Eastern Samar.
Sa inilabas na Pastoral Letter ng Diyosesis hinimok ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang mga pari, madre at mga layko na alalahanin sa mga panalangin ang mga nasawi dahil sa kalamidad.
“We especially remember those who died during the said calamity, those who suffered psychological trauma from the event, those who have not yet fully recovered materially or economically and are still struggling to rebuild their lives until now, and those nations, international organizations, humanitarian groups, volunteer workers, and all those who assisted us during the aftermath of Yolanda,” bahagi ng pastoral letter ni Bishop Varquez.
Hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na mas palakasin pa ang pagtutulungan upang makalikha ng mga gusali at pangkabuhayan ng mamamayan na matatag sa anumang uri ng kalamidad.
Ayon pa sa pahayag ng Obispo; “May the Virgin Mary, Patroness of our Diocese and herself the ‘white dawn’ announcing to all men the rising of the Sun of Salvation—Jesus Christ, inspire us to persevere in our unique vocation of being a people called to live up to the reality of the Light and to give witness to the Light in the midst of a society threatened by the dark night of gloom.”
Sa naganap na kalamidad ayon sa Obispo ay lalong tumibay ang pananampalataya ng mga naapektuhan ng bagyong Yolanda na nagbigay daan din sa pagbisita ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa Pilipinas noong Enero 2015.
Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda kung saan higit sa anim na libo ang naitalang namatay dulot ng bagyo habang naitala naman sa P86 bilyong piso ang nasirang gusali, kabuhayan at mga ari-arian.
Pastoral Letter: