16,444 total views
Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Banal na Misa at Diaconal Ordination para sa Order of the Ministers of the Infirm o Camillians sa Our Lady of La Paz Parish, Makati City
Inordinahan ni Cardinal Advincula sa pagkadiyakono sina Rev. Ruel Tesoro Fernandez, MI at Rev. Carl Cerdeño Masip, MI.
Sa pagninilay, pinaalalahanan ni Cardinal Advincula sina Rev. Fernandez at Rev. Masip na buong pusong dinggin at tanggapin ang tawag ng Panginoon sa paglilingkod, at maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon habang pinaghahandaan ang misyon tungo sa pagiging ganap na pari.
“You are here because you are called. You are called by name. You are called personally by God. And this personal and loving call awaits your courageous response…The call of God comes every day in your ministerial life in various ways. It will come through the people you serve, through young people, through the poor, and even through your enemies. When you hear God’s call through them, may you still say, may your response to God’s call remain as eager and as passionate as you responded today,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.
Hinimok din ng kardinal ang mga bagong diyakono na maging mapagpakumbaba at mapagpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob bilang mga tagapaglingkod ng Panginoon.
Sinabi ni Cardinal Advincula na ang pagtugon sa tawag ng Panginoon, na maituturing na biyaya, ay paalala na ang bawat isa ay tinawag upang maglingkod at hindi ang paglingkuran.
“We acknowledge that everything is gift. That even our call, our desire to serve and our strength to serve are God’s gift to us and his people. Our call to serve is a call to rely on the help of the Lord. Jesus presents himself as a model of service and reminds the disciples and all of us that we are called not to be served, but to serve,” ayon kay Cardinal Advincula.
Ang diaconal ordination nina Rev. Fernandez at Rev. Masip ay kasunod ng paglulunsad sa isang taong pagdiriwang ng ika-50 taon ng Camillian order sa Pilipinas.
Tema ng ginintuang pagdiriwang ang “Puso sa Misyon: Limang Dekadang Pasasalamat, Pagninilay, at Pagtugon sa Misyon ng Panginoon”.
Taong 1974 nang magsimula ang pagmimisyon ng mga Kamilyano sa Pilipinas, at July 1, 2003 nang ganap na itatag ang Camillian Philippine Province.
Sa nakalipas na limang dekada, pinalawak ng mga Kamilyano ang kanilang misyon, kung saan 41 Pilipinong miyembro ang naglilingkod hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Taiwan, Australia, Italy, Germany, at Estados Unidos.
Itinatag ni San Camilo de Lellis ang Ministers of the Sick na kalauna’y tinawag na Ministers of the Infirm o mas kilala bilang Camillians na ang tungkuli’y maglingkod sa mga may karamdaman at higit na ilapit ang kagalingang hatid ng Panginoong Hesukristo.