365 total views
Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown D.D. ang pagdiriwang sa ika-limampu’t dalawang taong anibersaryo ng Radyo Veritas 846 sa ika-4 ng Abril, 2021 kasabay ng paggunita sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Nauna ng pinuri ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas ang misyon ng himpilan ng Radyo Veritas 846 na patuloy na maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsasahimpapawid ng iba’t ibang programang naglalayong magabayan ang buhay espiritwal ng bawat mananampalataya at higit pang maibahagi ang Ebangelisasyon sa mas nakararami.
“I just want to invite you to continue to listen and spread the word about this wonderful radio station which is serving Catholics throughout the Philippines. It’s a privilege for me to give this word of appreciation and encouragement to all of you listeners to continue to listen and find more listeners for this wonderful station.” mensahe ni Archbishop Charles John Brown sa misyon ng Radio Veritas.
Hinimok din ng Papal Nuncio to the Philippines ang mamamayan na patuloy na suportahan at makinig sa Radyo ng Simbahan.
Magsimula ang programa para sa paggunita ng ika-limampu’t dalawang taong anibersaryo ng Radyo Veritas mula alas-nueve ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali na susundan naman ng banal na misa sa pangunguna ni Archbishop Brown ganap na alas-dose kinse ng tanghali.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsubaybay sa himpilan ng Radio Veritas 846 at facebook page na Veritas846.ph.