243 total views
Pinasinayaan kahapon ang ikalawang Segunda Mana outlet ng Caritas Manila sa Bulacan.
Pinangunahan ni Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radyo Veritas at executive director ng Caritas Manila ang pagbabasbas ng pagbubukas sa tindahan sa basement ng Victory Town Center Mall sa San Jose Del Monte.
Inaanyayahan naman ni Fr. Pascual ang publiko na tangkilikin ang Segunda Mana charity store dahil nasa 5,000 bata ang mabebenepisyuhan nito sa ilalim ng Caritas Manila Urban Poor Development Programs partikular ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP).
Nasa 24 na ang Segunda Mana charity store sa buong Luzon.