253 total views
March 14, 2020-11:53am
Ipinag-utos ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa lahat ng mga kura paroko sa diyosesis ang dis-infection sa mga parokya at mga kapilya sa buong diocese ng Balanga, Bataan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng coronavirus disease o covid-19.
Tagubilin din ng obispo ang paglalagay ng mga alcohol, sanitizers, at pagtiyak sa laging pagsusuot ng face mask ng mga lay ministers at iba pang mga naglilingkod sa loob ng simbahan.
“We have mandated all the parish priests of the Diocese to disinfect their parochial churches and barangay chapels, to provide alcohol and sanitizer, and lay ministers to wear face masks,” ayon kay Bishop Santos.
Ayon kay Bishop Santos, tulad ng mga doctor, nurse at health workers- ang mga pari at kawani ng parokya ay nagsisilbing front-liners ng simbahan.
“I told my priests, that we, like them also be front-liners now before God for them. So, we have to open our Church, celebrate Holy Masses and pray for them. As they do their works, we should do our ministry: pray and celebrate the Sacraments. Yet, we take necessary precautions,” dagdag pa ng obispo.
Paliwanag ng obispo, mahalaga at kinakailangan ng bawat isa ang panalangin para sa paggabay ng Panginoon kaya’t mahalagang tulad ng mga health workers ay manatiling ring bukas ang mga simbahan at patuloy ang mga pari sa pagsasagawa ng mga sakramento tulad ng pagsasagawa ng banal na misa.
Ipinag-utos naman ng obispo ang pagpapaliban ng misa sa mga parokya at malakihang pagtitipon sa bayan ng Orani, Tapulao at Balanga makaraang may naiulat na nagpositibo sa COVID 19.
Pinapayuhan naman ng obispo ang mga matatanda ay may karamdaman na manatili na lamang sa kanilang bahay at makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng live streaming.
Batay sa tala, mayroong 56 na mga pari ang Diocese ng Balanga na binubuo ng 38 na mga parokya na kumakalinga sa 650-libong katoliko.