558 total views
Umaasa ang liderato ng Mababang Kapulungan na agad ding mahuhuli ang ilan pang suspek na bumaril at pumaslang sa ‘broadcaster’ na si Percival Mabasa na kilala rin bilang si Percy Lapid.
Nagpapasalamat naman si House Speaker Martin Romualdez kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at sa Philippine National Police sa pagkaka-aresto sa sinasabing gunman na si Joel Estorial na umamin sa ginawang pamamaril.
“We hope that this arrest leads to the apprehension of the other suspects in the gruesome murder of Lapid and the resolution of the case.” ayon kay Romualdez.
Si Mabasa ay binaril at napatay noong October 3 sa Las Piñas City.
Una ring naglaan ng limang milyong pisong reward money ang kamara na para sa agarang pag-aresto sa pumatay sa mamamahayag.
“The protection of members of the Fourth Estate is of paramount importance as they play a vital role in nation-building.” ayon pa kay Romualdez.
Sa mensahe ng Santo Papa Francisco kaugnay sa kahalagahan ng mamamahayag ang panawagan sa media na manalig at manindigan laban sa mga nagtatanggkang baluktutin ang katotohanan.