156 total views
Dismayado ang ilang Senador matapos balewalain ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o S-O-N-A ang mahahalagang panukalang batas at seryosong problema na kinakaharap ng bansa.
Sa kabila ng pagkaka-etsapuwera, tiwala pa rin si Senador Bam Aquino na maisasabatas ang Senate Bill No. 1304 o ‘Free Higher Education for All Act’ na magbibigay ng libreng tuition fee sa mga State Universities and Colleges o S-U-Cs.
Kulang naman para kay Senador Vicente ‘Tito’ Sotto ang pagtalakay ni Pangulong Duterte sa Human Security Act o pagpapatatag ng pambansang seguridad at Anti-Terrorism Act kung saan nakasalalay ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Iginiit ni Sotto na kailangang patatagin ang national security act na hindi binigyan pansin ng Pangulong Duterte.
Inihayag naman Senator Grace Poe ang pagbibigay prayoridad sa paggamit ng emergency power ng pangulo upang mapabilis ang pagsasakatuparan ng mga programang pang-imprastruktura na sinasabing makapagbibigay ng milyung-milyong trabaho sa mga Filipino.
Naging sentro naman ng SONA ng Pangulong Duterte ang pagsupil sa mga mining companies, free Wifi para sa publiko, pagbibigay oportunidad sa mga foreign investors sa manufacturing industry at paglaan ng mas mataas na financial assistance sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Unang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na laging kaakibat ng kapangyarihan ng isang pinuno ang mabigat na responsibilidad na abutin ang kamay ng mga nangangailangan at unahin ang kapakanan ng kanyang nasasakupan higit sa interes ng iilan.