484 total views
Anim na simbahan sa Diocese ng Digos ang labis na napinsala ng 6.9 magnitude na lindol sa Davao del Sur na naganap linggo ng hapon
Ayon kay Fr. Consorcio Lopez Jr, social action center director ng Digos kabilang dito ang mga simbahan sa Padada, Bangkal, Hagonoy, Magsasaysay at ang Mary Mediatrix Cathedral sa Digos City na hindi na maaring magamit dahil sa tinamong pinsala.
“These Parishes were damaged and cannot be used, Padada, Bangkal, Cathedral, Hagonoy, Matanao, and Magsaysay,” ayon kay Fr. Lopez.
Sa kasalukuyan ayon kay Fr. Lopez ay nangangalap pa rin sila ng mga impormasyon sa lawak ng pinsala nang malakas na lindol.
“There are thousands of houses totally damaged. People are staying out with a tent/trapal. Some barangays have no electricity. There are casualties more in the municipality of Padada where the epicenter is located. We are still gathering data,” ayon kay Fr. Lopez.
Base sa inisyal na ulat, maraming bahay at gusali ang gumuho at wala ring suplay ng kuryente lalu na sa bayan ng Padada na siyang sentro ng lindol.
Umapela na rin ng tulong ang pari para sa mga naapektuhang pamilya na pawang nanunuluyan sa labas ng kanilang bahay dahil na rin sa pangamba lalu’t patuloy din ang mga pagyanig o aftershocks.
Ayon sa pari, ilang sa mga pangangailangan ay tubig, canned goods at mga trapal.
Buwan ng Oktubre una na ring niyanig ng magkakasunod na malalakas na lindol ang bahagi ng South Cotabato.