Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ilayo ang mga bata sa karahasan

SHARE THE TRUTH

 298 total views

Mga Kapanalig, nakababahala ang balita kamakailan tungkol sa pananaksak ng isang 13-taong gulang na bata sa kanyang kamag-aral sa isang paaralan sa Quezon City. Ang biktima ay 15-taong gulang na bata rin. Agad siyang binawian ng buhay sa ospital. Nakikiramay tayo sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ayon sa mga pulis, pagseselos daw ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng magkaklase. Nangyari ang insidente bago ang klase ng mga bata. Ayon sa Department of Education-NCR, ang mga nakasaksi sa pangyayari ay bibigyan ng psychological first aid upang iproseso ang kanilang nakita. Bibigyan naman ng tulong ang pamilya ng biktima. Dinala sa kustodiya ng mga pulis ang itinuturong suspek at ituturing na isang batang may suliranin sa batas o child in conflict with the law (o CICL). Bibigyan siya ng intervention at titiyaking siya ay makapag-aaral pa rin gamit ang alternative modes, ayon sa School Child Protection Committee. Hinihikayat ng DepEd ang lahat ng paaralan at komunidad na magtulungan upang palakihin at turuan ang mga bata na may pagpapahalaga sa kapayapaan at tumatanggi sa paggamit ng dahas. Dagdag pa ng DepEd, kailangan ding turuan ang mga batang maging responsableng miyembro ng kanilang komunidad.

Ang school violence ay may matinding epekto hindi lamang sa mga biktima kundi maging sa mga kamag-aral, guro, at lahat ng kawani ng paaralan. Binigyang-diin ng UNICEF na maliban sa psychological effects nito, nariyan rin ang masamang epekto nito sa pag-aaral ng mga bata at sa pagkakaroon nila ng trabaho sa hinaharap.3 Sa buong mundo, nangyayari ang iba’t ibang porma ng karahasan sa mga paaralan. Sa Pilipinas, bagamat walang opisyal na bilang kung ilang bata ang apektado ng school violence, tinatayang walo sa bawat sampung bata ang nakararanas ng karahasan sa kanilang bahay, paaralan, at komunidad. Ayon ito sa National Baseline Survey on Violence Against Children na ginawa noong 2015.

Paano nga ba mailalayo ang ating kabataan sa karahasan, lalo na sa paaralan?

Maraming dahilang nagtutulak sa isang batang makagawa ng karahasan sa kanyang paaralan. Maaaring dulot ito ng hindi magandang sitwasyon ng kanyang pag-aaral. Maaari

ding dahil dati na siyang may karanasan sa paggamit ng karahasan o kaya naman ay may mental health condition. Maaaring naging biktima siya ng karahasan o kaya naman ay nakakakita siya ng karahasan sa kanyang paligid. May ilang nauudyukang maging marahas matapos gumamit ng droga at uminom ng alak. Kung titingnan ang mga dahilang ito, maaari ngang makagawa ng karahasan ang isang batang lumalaki sa isang tahanan o sitwasyong hindi pinakamabuti para sa kanya. Samakatuwid, kailangan ng mga bata ng suporta, pagmamahal, pag-aaruga, at proteksyon upang sila mismo ay hindi maging biktima ng karahasan.

Nakagawa man ng pagkakamali ang batang itinuturong suspek, kailangan siyang tingnan sa kung sino siya—isang batang maaaring nasa sitwasyong may karahasan o nakararanas ng mental condition. Hindi siya dapat tratuhing katulad ng matatandang suspek. Gaya ng sabi sa Awit 127:3, ang mga bata ay kaloob ng Diyos. Kailangan natin silang kalingain nang may galak. Kung ang itinuturong ugat ng pananaksak sa insidente sa paaralan sa Quezon City ay pagseselos, hindi ba’t dapat natin silang turuang makipag-usap nang mahinahon upang lutasin ang hindi pagkakaintindihan? Sabi ni Pope Francis sa Fratelli Tutti, “let us arm our children with the weapons of dialogue”. Mahalagang maturuan ang mga bata sa proseso ng encounter o pakikipagtagpo. Ito ang paraan upang lumaki ang mga batang kayang tumanggap ng pagkakaiba-iba at kayang makipag-usap upang solusyunan ang ‘di pagkakaunawaan.

Mga Kapanalig, anuman ang dahilan ng paggamit ng dahas sa loob ng paaralan, huwag sana nating kalimutang gawin ang pinakamabuti para sa bawat bata—biktima man sila o ang may sala.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,717 total views

 6,717 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,832 total views

 16,832 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 26,409 total views

 26,409 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 46,398 total views

 46,398 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 37,502 total views

 37,502 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,718 total views

 6,718 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,833 total views

 16,833 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 26,410 total views

 26,410 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 46,399 total views

 46,399 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 37,503 total views

 37,503 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,221 total views

 40,221 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,790 total views

 43,790 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,246 total views

 56,246 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,313 total views

 67,313 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,632 total views

 73,632 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,244 total views

 78,244 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,805 total views

 79,805 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,366 total views

 45,366 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 68,027 total views

 68,027 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,603 total views

 73,603 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top