21,567 total views
Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na nananatiling banta sa soberanya ng Pilipinas ang pagpapatuloy ng mga ilegal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Itinuturing ni Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr. na dagdag propaganda ang ipinapakalat ng China na ‘gentleman’s agreement’ upang angkinin ang teritoryo ng Pilipinas.
“While we realize that accountability is important in the issue on whether or not a so-called “gentleman’s agreement” was forged with China regarding the BRP Sierra Madre and Ayungin Shoal, we Filipinos must not lose sight of the fact that the main threat to our rights in the WPS is the Chinese Governments illegal activities,” ayon sa mensahe ni Teodoro na ipinadala ng DND sa Radio Veritas.
Nanawagan ang kalihim sa mga Pilipino na huwag kalimutan ang patuloy na pang-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
Ipinaliwanag ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na ang “gentleman’s agreement” ay verbal na kasunduan ng pagpapairal ng status quo sa WPS sa pagitan ng dating pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Magugunitang nakikiisa sa paninindigan ang North Luzon Bishops sa pamahalaan at pribadong sektor na pag-aari ng Pilipinas ang WPS at pagkundena sa iligal na aktibidad ng China sa nasabing teritoryo.