224 total views
Gumagawa na ng hakbang ang Diocese of San Jose Nueva Ecija upang muling mapigilan ang illegal mining sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Bishop Roberto Mallari, masyado nang malawak ang pinsalang idinudulot ng mining sa Sierra Madre na nagdudulot ng perwisyo sa lalawigan.
Ayon sa Obispo, bagama’t ilang beses na itong napahinto, ay pansamantala lamang ito at muli ring bumabalik sa operasyon ang kumpanya ng minahan.
“Ang ginagawa namin iniipon namin yung lahat ng mga stakeholders, yung kapulisan, kasundaluhan, yung mga government agencies mga NGOs nang sa ganun makita namin, mapag-usapan kung anong dapat gawin. Several times, we were able to stop yung illegal mining dito pero palaging bumabalik-balik, pero hopefully, nakabuo na kami ng grupo ng mga stakeholders, we will continue itong pag-uusap at pagtingin kung ano yung dapat naming sama-samang gawin,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.
Batay sa Mines and Geo-sciences Bureau sa kasalukuyan ay mayroong 40 operating metallic mines at 65 non metallic mines sa bansa na sumasailalim parin sa mining audit ng DENR.
Una nang nasuspinde ang siyam na minahan mula sa mga bayan ng Zambales, Palawan, Surigao Del Norte, at Bulacan.