484 total views
Nagkasundo ang International Labor Organization (ILO) at tatlumpung Labor Trade Unions at Organizations mula sa South East Asian Region na paigtingin ang pagtulong sa mga manggagawa na makapagtrabaho ng may dignidad.
Ito ay sa pamamagitan ng paglagda sa ‘Joint Conclusion’ na isusulong ang higit na pakikiisa ng mga trade unions sa mga grupo o manggagawa sa kani-kanilang bansa at pagsusulong ng kanilang mga karapatan sa lugar ng paggawa.
“We remain committed to supporting the trade unions in the region in every step, to promote inclusive, equitable and sustainable development to advance the Decent Work Agenda and safeguard the rights of all workers in the region.” ayon sa pahayag ni Maria Helena André – Director ng International Labour Organization Bureau for Workers Activities (ILO ACTRAV).
Ayon sa ILO nagmula ang mga trade union sa Pilipinas, Singapore, Thailand, Timor-Leste, Vietnam, Cambodia, Indonesia, Lao People’s Democratic Republic , Malaysia at Myanmar.
Paiigintin rin ng joint conclusion ang pagkakaisa ng ibat-ibang labor unions upang isulong ang sustainable development upang mapangalagan ang kalikasan sa kabila ng patuloy na pagpapalago sa sektor ng ekonomiya.
“As the globe warms, workers and their families must deal with the effects of extreme weather events. Workers organizations in the region must always stand tall and true when addressing known risks and responding to crises. Despite the adversity, trade unions must demonstrate solidarity, strength and resiliency, continue to support workers and really be organizations that they can rely on.” ayon naman sa pahayag ni Khalid Hassan – Direktor ng ILO Philippines.
Ayon sa datos ng ILO Noong 2020, umabot sa 220-million ang global unemployment rate habang sa Pilipinas ay umabot noong Agosto sa 2.68-million ang bilang ng mga manggawang walang trabago.
Una ng isinulong sa Italya ang Economy of Francesco Movement matapos manawagan ang Kaniyang Kabanalangan Francisco sa mga ekonomista, kabataan at estudyante na lumikha ng bagong sistema sa ekonomiya na isasama sa pag-unlad ang mahihirap na hindi sinisira ang kalikasan.