Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Imahen ng Santisimo Rosario, nakadambana sa Radio Veritas chapel

SHARE THE TRUTH

 11,413 total views

Hinahangad ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Malipampang, San Ildefonso, Bulacan na higit pang ipakilala at ipalaganap sa mas maraming mananampalataya ang pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria o Apo Sayong.

Ayon kay Parish priest, Fr. Jose Jay Santos, ito ang layunin ng parokya bilang paghahanda para sa ika-100 taong pagdating ng imahen ng Santisimo Rosario sa Malipampang na ipagdiriwang sa February 22, 2026.

“Ito po ay bahagi ng aming paghahanda para sa aming sentenaryo. ‘Yun pong 100 years na pagdating ng birhen sa Malipampang… Ang layunin po namin ay hindi lamang po paghahanda, kundi maipakilala rin ang mahal na birhen ng Sto. Rosario, ‘di lamang sa loob ng aming parokya, bagkus po pati sa labas ng aming parokya,” pahayag ni Fr. Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Santos, ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario o kilala sa tawag na Apo Sayong, ay dinarayo ng mga mananampalataya ng lalawigan ng Bulacan dahil sa kaloob na biyaya at pagpapala sa mga humihiling ng panalangin.

Paliwanag ng pari na ang pagbisita ni Apo Sayong sa iba’t ibang parokya at diyosesis ay bahagi ng misyon upang sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria ay matanggap ng bawat isa ang biyaya mula sa Diyos.

Kasalukuyang nakadambana sa Radio Veritas Chapel sa Quezon City ang replica ng imahen ni Apo Sayong, at maaaring bisitahin upang mag-alay ng mga panalangin hanggang Miyerkules, August 14, 2024.

“Nais po naming makilala ninyo kung papaano ang biyaya na ibinibigay sa amin ng aming patron, ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Malipampang, kilala sa tawag na si Apo Sayong, kung papaano po kami ay sinamahan, inalalayan, at ipinagdasal, ganoon din po ang nais naming ibahagi,” paanyaya ni Fr. Santos.

Samantala, isinasagawa naman sa parokya tuwing ika-22 ng bawat buwan ang pagdedebosyon kay Apo Sayong kung saan itinatanghal ang Santisimo Sakramento, pagdarasal ng Rosaryo, pagdiriwang ng Banal na Misa, pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen, at iba pang gawain.

Taong 1926 nang dumating sa pamayanan ng Malipampang ang imahen ng Santisimo Rosario, at ipinagdiwang ang unang pista sa nayon noong February 22, 1927.

Tema naman ng ika-100 taong pagdiriwang ang “Sentenaryo 1926-2026: Isang Parokyang Nagpupuri at Nagpapasalamat Kasama si Maria”.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 57,621 total views

 57,621 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 67,620 total views

 67,620 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 74,632 total views

 74,632 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 84,299 total views

 84,299 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 117,747 total views

 117,747 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 12,250 total views

 12,250 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 14,284 total views

 14,284 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top