41,321 total views
Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Nanindigan si Senate President Chiz Escudero na ang impeachment trial laban kay VP Sara ay walang kinalaman sa kinakaharap na kaso ng ama nito sa ICC. Hindi maaring maantala ang impeachment trial dahil lamang sa kaso at mga kilos-protesta.
Pero, konting tiis muna mga Kapanalig, mga botanteng Pilipino… bumuto muna tayo sa May 12, 2025 midterm local at national elections bago nating masaksihan ang impeachment trial kay VP Sara sa kasong betrayal of public trust at corruption.
Naunang nilagdaan ni Escudero ang special no.2025-015 series of 2025 para sa pagtatag o pagbuo ng administrative support group na tutulong sa Senado kapag nag-convene na ang impeachment court.
Sa ilalim ng special order, si Senate Secretary, Renato Bantug, ang magiging Clerk of the Senate na may kapangyarihang mag-issue ng administrative order, direktiba at guidelines na kinakailangang supporta ng Clerk of Court and the Impeachment Court… Magiging katuwang din ng impeachment court ang Office of the Senate Legal Counsel, the Office of the Deputy Secretary for Legislation at Office of the Sergeant-at-Arms na magsisilbi ding as Deputy Clerks.
Impeachment trial calendar: Sa June 2, 2025 sa muling sa pagsisimula ng Senate session ay ipi-presenta sa 12-Senador ang articles of impeachment laban kay VP Duterte… Sa ika-3 ng Hunyo ay iko-convene ang impeachment court kung saan manunumpa ang 12-incumbent Senator-Judges.
Sa June 4, 2025 ay ang issuance ng mga summon sa mga taong sangkot sa impeachment trial tulad ng akusado, mga witness at mga abogado ng magkabilang panig at prosecution at depensa.
Itinakda naman mula ika-14 hanggang ika-24 ng Hunyo ang “reception of pleadings” habang sa June 15 hanggang July 25, 2025 ang pre-trial sa June 29 ang oathtaking ng mga bagong halal na 12-Senator-judges bago umupong hukom sa impeachment court.
Kapanalig, sa ika-30 ng Hulyo 2025 na magsisimula ang impeachment trial laban kay VP Duterte.. Makiisa tayo, nararapat tayong maging maalam, mapagmatyag… sa ganitong paraan, malalaman natin ang katotohanan, at maisantabi ang fake news.
Kapanalig, lagi nating isaisip at isabuhay ang katuruan ni “John 8:31-32”. So Jesus said to the Jews who had believed him, “If you abide in my word, you are truly my disciples, 32 and you will know the truth, and the truth will set you free.”
Kapanalig sa kasalukuyang modernong panahon dahil sa makabagong teknolohiya at presensiya ng iba’t-ibang social media plarforms, ang katotohanan ay madaling nababaluktot, naging laganap ang fake news. Gayunman, sinasabi ni Pope Francis na malalabanan ang pagkalat ng fake news sa pamamagitan ng tamang pagninilay at pagpapakalat ng mabuting balita ng panginoon.
Sumainyo ang Katotohanan.