880 total views
Isinapubliko ng Diocese of Imus ang pagtatalaga sa Our Lady of the Pillar Cathedral Parish o Imus Cathedral bilang Diocesan Shrine.
Ito’y matapos aprubahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang petisyon ng mga mananampalataya ng Diyosesis.
Isasagawa ang maringal na deklarasyon sa ika-3 ng Disyembre, 2020, kasabay ng ika-8 anibersaryo ng Koronasyong Kanonikal ng Mahal na Birhen ng del Pilar, ang patrona ng Diyosesis ng Imus.
Bago maging katedral, itinatag ito bilang parokya noong ika-3 ng Oktubre, taong 1795 sa pangangalaga ng mga paring Agustino.
Noong Ika-25 ng Nobyembre, 1961 nang humiwalay ito sa ilalim ng Arkidiyosesis ng Maynila at pormal nang itinatag bilang diyosesis.
Sa kasalukuyan, mayroon nang tatlong Diocesan Shrine at isang National Shrine sa ilalim ng Diocese ng Imus.
Ito ang Diocesan Shrine of the Immaculate Concepcion sa Naic, Diocesan Shrine of Saint Agustine sa Tanza, Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga sa Cavite City at National Shrine of Our Lady of La sallette sa Silang.