Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ina ng Laging Saklolo Parish, Punta, Sta. Ana, Manila

SHARE THE TRUTH

 552 total views

Homily
H.E. Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
June 25, 2017

Manila mga minamahal na kapatid sa pananampalataya sa ating Panginoong Hesukristo, tayo po una sa lahat ay magpuri, magpasalamat sa Diyos, siya po ang nag-anyaya sa atin para bilang isang sambayanan tayo po ay magtipon, mapayaman niya kanyang salita, mapakain ng Katawan at Dugo ni Hesus at makatanggap muli ng pagbubuhos ng Espiritu Santo ng pag-ibig at buhay, upang bilang isang sambayanan tayo po ay patuloy na makasaksi sa mundo, sa ating pananampalataya. Nagpapasalamat din po tayo sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng ating Patrona, ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

Ang atin pong piyesta sa taong ito ay napapaloob sa tinatawag nating Year of the Parish, o Taon ng Parokya,
The Parish Communion of Communities, pagbubuklod ng mga maliliit na sambayanan, katulad ng pamilya, BEC, mga neighborhood communities, pati na yung mga organisasyon, sana yung mga maliliit na umpukan, maging tunay na sambayanang Krsitiyano, pero huwag namang magkanya-kanya, bawat community maging bukas, makiisa sa iba pang communities, yan ang Parokya. Maliliit iba-ibang communities pero hindi nagsasarili, bukas sa tinatawag na communion, kaya ang Parokya nagiging isang malaki at maligayang pamilya sa halip na umpuk-umpukan ng mga nagkakanya-kanya.

Ang mga pagbasa po natin nagbibigay ng isang direksyon, saan ba tayo puwede magkaisa? Nasaan ang puwersa ng pagkakaisa? Aminin natin sa mundo natin ngayon parang mas madali ang maghati-hati, kaysa magkaisa, iyan ang pakiramdam natin. Hirap na hirap tayong magkaisa pero pagkadali-daling maghiwa-hiwalay, halimbawa itong mga choir members ngayon parang nagkakaisa sila, maya-maya meron lang yang makatitig ng hindi maganda hiwalay na yan, kaaway na yan mamaya. O, Piyesta, wow! Para tayong masaya isang community, meron lang diyan hindi mapagbiyan, “puwede ba kaming magmiryenda sa bahay niyo? Deadma, magtatanim na ng galit iyan, hanggang ilibing hindi nag-uusap dahil lang sa miryenda.

Parang ang dali daling maghanap ng butas para maghiwalay, para magkagalit, para maghinanakit, kapag iyan
ay nangyayari sa simbahan, ang tawag pa naman Bayan ng Diyos, Katawan ni Kristo, Templo ng Espiritu,
bakit parang hindi dumadaloy ang pagkakaisa ng Ama, Anak at Espiritu Santo sa kanilang bayan kaya saliksikin natin, ano ba yung mga daan ng communion, pagkakaisa?

Ang mga pagbasa po natin ay mayroong ilang pahiwatig. Si propeta Jeremias ay nakaranas ng krisis. Bilang propeta, tagapagsalita ng kalooban ng Diyos, siya ay kinaiinisan. Hindi lamang yon, ang mga taong nakikinig sa kanya, pati ang kanyang mga kaibigan ay naghangad, nagplano ng kanyang kapahamakan. Talagang nagplano para magsalita siya ng isang bagay na magagamit nila laban sa kanya, talagang gusto siyang pahirapan.
Nakakalungkot kasi wala naman siyang ginagawang masama, pinapahayag niya ang salita ng Diyos, pero bakit pinagtatangkaan siya ng ganito, binubully, at pino-provoke para mainis ka at sa inis mo mayroon kang masabing hindi maganda [at sasabihin nila] “O tignan mo na,” maraming ganyan, talagang tinutulak ka, kaya ka tinutulak para meron kang gawin, sabihin na hindi maganda, at yon gagamitin nila laban sayo.

Ganun din ang karanasan ng mga alagad ni Kristo sa Ebanghelyo, kaya nga sabi ni Hesus, huwag kayong matakot sa mga tao kasi yung mga alagad niya tinatakot. Ano ang naging sandata ng mga propeta at mga alagad ni Kristo? Una sa lahat, pananampalataya. Sabi ni Jeremias, ikaw Panginoon ay nasa panig ko, malakas ka at makapangyarihan, itong mga umuusig sa akin, akala nila malakas sila pero kung ikukumpara sa lakas mo madarapa sila.
Yan ang pananampalataya, bagamat hindi itinatanggi, mayroong kasamaan sa mundo, dapat mas naniniwala tayo na higit ang kapangyarihan ng Diyos, kaysa sa kapangyarihan ng kasamaan. Pananampalataya yan. Pero kung tayo, hindi na naniniwala sa lakas ng Diyos, ang Diyos na papanig sa mga mabubuti at makatarungan, kapag hindi na tayo naniwala sa lakas at kapangyarihan ng Diyos, unti-unti mas paniniwalaan natin ang kapangyarihan ng kasamaan at matatalo na tayo.

Sa harapan ng kasamaan ang sagot lang natin, “wala tayong magagawa ganyan nalang yan kaya hahayaan nalang natin, mamamayagpag yan, at maya-maya pati tayo ay kasama na. Pananampalataya, naniniwala ba tayo na ang Diyos ay mas malakas kaysa sa kasalanan? Iyan ang tinuturo ni San Pablo sa ikalawang pagbasa. Totoo lumaganap ang kasamaan, pero sabi niya, laganap din ang biyaya. Kung lumalaganap ang kasamaan, mas malaganap ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng tagumpay ni Hesus. Hindi magkapantay ang kasamaan at ang biyaya, laging mas matimbang, malakas ang kabutihan. Bakit? Nagtagumpay na si Hesus sabi ni San Pablo, mamaya sasabihin natin, ipahayag natin ang misteryo ng pananampalataya. Ano ang simula? Si Kristo’y namatay, anong susunod? Hindi tayo tumitigil don, “Si Kristo’y namatay,” parang nagtagumpay ang kasamaan, dinudugtungan natin si Kristo ay nabuhay at si Kristo’y babalik! Lagot ka! Kala mo malakas ka, babalik si Kristo, nabuhay na siya talo na ang kamatayan, talo ang kasalanan, nabuhay si Hesus at babalik siya. Pero naniniwala ba tayo? Yan ba ang sandata natin laban sa lahat ng pagsubok, lahat ng kasamaan, lahat ng krisis lalo na ang mga puwersa na nagpapahina sa ating sambayanan.
O mas sampalataya tayo sa lakas ng kasamaan?

Sa araw na ito, kailangan atin pong panibaguhin ang pananampalataya. Maganda itong kay Jeremias, sabi nya,
“Ang dami nilang sinasabi laban sa akin, pero Panginoon, ikaw ang talagang nakakakilala sa akin, at mas naniniwala ako sa Iyo hindi sa mga sinasabi nila, Ikaw ang mas nakakakilala sa akin kaya ang katotohanan mo ang mas malakas kaysa sa mga kabulaanan, kasinungalingan. Iyang mga fake na mga pinaniniwalaan. So sana, mabuklod tayo sa pananampalataya, tatanungin ko kayo, noon tinanong ko na kayo, kaya lang humina nung bandang huli.
Ano ang mas mahalaga mga bata halimbawa, hindi ka nakapag-aral sa test, ano ang mahalaga? Mandaya ka,
o honesty? Kahit bumagsak ka, bumagsak ka ng may dangal, honest ka. Kaysa naman sa pumasa ka nang walang dangal, nandaya ka. Kung babagsak ka rin lang naman bumagsak kang may dangal. O, may honor ako!”
Daya naman! Mas malakas ang honesty kaysa sa pandaraya diba? Ano ang mas malakas, yung pangangaliwa o yung katapatan? Katapatan! Pero kapag naniwala tayo, hindi mas madali yung mangaliwa, ay yun nga ang gagawin mo, dapat naniniwala ka ang tagumpay ng kabutihan, mas malakas ang katapatan! Ano ang mas malakas, paghahati-hati o pagkakaisa? Maniwala sa Diyos, maniwala sa kanyang tagumpay.

Pero may pangalawa po, at dito ko magtatapos, maniniwala tayo sa tagumpay ng Diyos, pero kasunod niyan
ay maging focus sa ating misyon. Yung pananampalataya natin may kasama yang misyon. Ipahahayag ang pananampalataya, sa ebanghelyo na-iimagine natin yung dinanas ng mga alagad, katulad ng dinanas ni Jeremias, hinahadlangan ng mga kaaway ang kanilang misyon, tinatakot, pero sabi ni Hesus huwag kayong magpatakot,
tuloy lang ang misyon ninyo, yung sinabi ko sa inyo, huwag niyong itago ipahayag ninyo pero huwag kayong magpapatakot, maniwala kayong mahal kayo ng Diyos, yan ang mahalaga.

Huwag titigil sa misyon kapag mayroong balakid, simple lang yan, tinakot ka sa inyong ginagawang misyon, binantaan ka, para bagang isinara yung pinto sa harapan mo, “bawal yan! Di mo na yan puwedeng gawin!”
Huwag kang matakot, isang pinto lang yang isinara, marami pang pinto diyan na bukas, pasukin mo yun hindi alam ng kaaway yun, ang alam lang niya yung pintong sinara niya, di pasukin mo yung ibang pinto, tuloy ka.
“Akala mo naisara mo lahat ng pinto?” at gawin mo yung misyon mo na hindi niya nahahalata akala niya napatigil ka niya, yun pala tuloy ka lang. Be creative in your mission. Akala nila napatahimik ka, yun pala tuloy ka, hindi lang nila naiintindihan, problema na nila yun. Binabantayan nila ang isang pinto, “Bantayan nyo yan ha, para hindi na nya ulit mapasok yan,” hindi nila alam marami ka na palang ibang pinto na nahanap at napasok. May isinasarang pinto pero napakarami pang pinto, bintana, daan na mabubuksan.

Focus on Mission. Kaya itong taon ng parish as communion, sana po ang pagkakaisa natin doon sa dalawang bagay na yon mula sa mga pagbasa; malalim na pananampalataya sa tagumpay ng Diyos laban sa kasamaan, magbuklod po tayo d’yan sa pananampalataya; ikalawa, magbuklod sa misyon, huwag agad-agad masisiraan ng loob kapag parang may mga nakasarang pinto, “ang hirap naman mag misyon.” Sarado ang isang pinto, humanap ng ibang pinto na nakabukas. Ang atin pong napakahalagang modelo ay ang ating Mahal na Ina, ang kanyang pananampalataya talaga namang hindi matitinag. Sa simula’t simula pa lamang hanggang sa kanyang napakalagim na karanasan na ang anak niya ay inalipusta, pinatay; si Maria, nanalig na ang Diyos ng kabutihan ay mananaig; at maparaan si Maria,
sabi sa kanya ng Anghel, “Ikaw ay maglilihi,” sabi niya, “Teka, paano ko maglilihi, wala naman akong asawa,”
parang ino-offer mo ito pero sarado ang pinto, sabi ng Anghel, “huwag kang mag-alala may isa pang pinto, ang Espiritu Santo na ang magbubukas niyan.” Nangyari, kung ano yung parang imposible, posible, kaya tumatakbo tayo sa kanya, Ina ng Laging Saklolo, kasi siya ang nakaranas kung papano tutugon at haharap sa mga krisis, sa mga balakid at paano itutuloy ang misyon, ano ang mga pinto na bubuksan ng Diyos para sa atin? Tayo po’y tumahimik sandal at hilingin natin sa Panginoon ang mas malalim na pananampalataya at ang tutok sa misyon, kahit na may balakid, magtatagumpay ang Diyos, at siya ang magbubukas ng mga pintuan at daan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 34,120 total views

 34,120 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,776 total views

 48,776 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,891 total views

 58,891 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 68,468 total views

 68,468 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,457 total views

 88,457 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 5,860 total views

 5,860 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,845 total views

 5,845 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 5,805 total views

 5,805 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 5,858 total views

 5,858 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 5,860 total views

 5,860 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,806 total views

 5,806 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 5,905 total views

 5,905 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,815 total views

 5,815 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 5,857 total views

 5,857 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 5,800 total views

 5,800 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,812 total views

 5,812 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 5,868 total views

 5,868 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top