253 total views
Ganito isalarawan ni Archdiocese of Manila Vicar General Msgr. Jose Clemente Ignacio ang Caritas Margins Buy and Give Expo 4.
Sa pagbubukas ng Margins Expo sa Glorietta 2, Makati sinabi ni Msgr. Ignacio na isang pagkakataon ang ipinagkakaloob ng Caritas Manila sa mga maililiit na negosyante na maging kabahagi ng lipunan.
Iginiit ni Monsignor Clemente na sa pamamaraan ng pagtangkilik ng mga produktong lokal na gawa ng mahigit isang libong micro – entreprenuer ay napapa – unlad at naibibida ang talentong Pinoy.
“Ngayon ang Caritas ay gumagawa ng paraan para maiangat ang antas ng ating mga kapatid na naghihirap at nagkakaroon sila ng opurtunidad na pumasok sa mundo na pinamumunuan ng mga may kaya sa lipunan. Dito makikita natin kaya pala ng mga Margins ang pagtitinda at paggagawa ng produkto,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Ignacio sa panayam ng Veritas Patrol.
Magtatagal ang Caritas Margins Expo 4 sa Glorietta mula ngayong araw na ito hanggang Linggo, October 9, 2016.
Sa kasalukuyan ang pondong nalilikom rito ay nakatutulong sa mahigit 3 libong Scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program.