179 total views
Umapela ng panalangin ang kasalukuyang Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na si Bro. Rudy Diamante para sa incoming executive secretary ng kumisyon na magtutungo sa Roma upang dumalo sa isang pagtitipon ng mga Prison Chaplains mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Ayon kay Diamante, bagamat sa December 1 pa epektibo at magiging opisyal ang pagbaba niya sa posisyon ay si Fr. Lirio na incoming executive secretary ng kumisyon ang matutungo sa nasabing pagtitipon na ipinatawag mismo ng Kanyang Kabanalan Francisco.
“Si Fr. Nezelle (Lirio) will be starting as Executive Secretary (of CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care) by December 1 pray for him because he will go to Rome there is going to be a meeting of all chaplains all over the world, ako nga po yung iniimbita sabi ko huwag na ako si Fr. Nezelle na ang pupunta roon…”pahayag ni Bro. Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.
Sinabi ni Diamante na nakatakda ang pagtitipon ng mga chaplain sa ika-7 hanggang ika-8 ng Nobyembre kung saan ibabahagi ni Fr. Lirio ang mga programa ng Simbahan para sa kalagayan ng mga bilanggo sa bansa.
Bukod dito, inaasahan ang paghingi ng international support para sa pagpapatuloy at pagpapalawak pa ng prison ministry sa Pilipinas kung saan mismong si Pope Francis ay mayroon ding adbokasiya para sa mga bilanggo.
“And then he’s going to share the Prison Ministry of the church doon po sa gallery, ipinatawag po ito ni Pope Francis sa November 7 and 8, he leaves on November 4 and then doon po sasabihin niya yung ginagawa ng Simbahan dito sa ganitong sitwasyon and probably he was going to make an appeal for international support para po sa ministry, alam naman ninyo that Pope Francis has taken to his heart the ministry of people in prison…”Dagdag pa ni Bro. Diamante.
Inaasahang magreretiro si Diamante sa edad na 70-taong gulang – matapos ang 42-taong pagsiserbisyo sa prison ministry at 27-taong pagsisilbi bilang Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.
Hahalili sa kanyang posisyon ang 44-na taong gulang na exorcist priest na si Rev. Fr. Nezelle Lirio mula sa Diocese of Cabanatuan na 18-taon na ring naninilbihan sa Prison Ministry ng diyosesis.
Siya ang magsisilbi bilang bagong katuwang ni Legazpi Bishop Joel Baylon mula sa December 1 na siyang Chairman ng kumisyon mula noong 2017.