1,352 total views
Tatanggap ng Plenary Indulgence ang mananampalatayang makikiisa sa Banal na Misa sa pagdiriwang ng World Day of Grandparents.
Ayon sa Vatican, ipinagkaloob ng Santo Papa Francisco ang indulhensya alinsunod sa kahilingan ni Cardinal Kevin Joseph Farrel ang Prefect ng Dicastery for the Laity, Family and Life bilang pagkilala sa natatanging pagdiriwang para sa nakatatanda sa July 23.
“The Supreme Pontiff graciously grants from the heavenly treasures of the Church the Plenary Indulgence, to the usual conditions to grandparents, the elderly and all the faithful who, motivated by the true spirit of penance and charity, will participate on 23 July 2023, on the occasion of the Third World Day of Grandparents and the Elderly,” pahayag ng Vatican.
Pangungunahan din ni Pope Francis ang misa sa Papal Basilica sa Vatican sa natatanging pagkilala sa mga nakatatanda.
Ito na ang ikatlong taon ng pagdiriwang kung saan 2021 itinalaga ng Santo Papa ang ikaapat na Linggo ng Hulyo para sa World Day of Prayer for Grandparents and the Elderly ang pinakamalapit na araw sa July 26-ang kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana na lolo at lola ni Hesus.
Ayon pa sa Apostolic Penitentiary makatatanggap din ng indulhensya ang mga bibisita sa mga may karamdaman.
“The Apostolic Penitentiary also grants the Plenary Indulgence on this same day to the faithful who will dedicate adequate time to visit in presence or virtually, through the media, elderly brothers in need or in difficulty (like the sick, the abandoned, the disabled…), “ ayon pa sa pahayag.
Tema sa pagdiriwang ngayong taon “His mercy is from age to age” na hango sa ebanghelyo ni San Lucas.
Hinimok din ng Vatican ang mga pari na maglaan ng panahon sa paggawad ng sakramento ng pagbabalik loob na sa isa sa mga kinakailangan upang matanggap ang plenary indulgence
Bukod sa kumpisal kinakailangan din ang pagdalo sa Banal na Eukaristiya, pagtanggap ng Banal na Komunyon, at pananalangin sa natatanging intensyon ng Santo Papa Francisco.