Inequality sa ating Bayan

SHARE THE TRUTH

 47,722 total views

Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap, edukado at hindi edukado, at may kapangyarihan at walang kapangyarihan.  Dito sa ating bayan, damang dama ang hindi pagkapantay-pantay na ito.  Ang ating bansa ay ang may pinakamataas na GINI coefficient sa anim na pinakamalaking bansa sa ASEAN– Nasa 41.58%. Ang GINI coefficient ay sukatan ng income inequality.

Ang hindi pagkakapantay-pantay sa Pilipinas ay makikita sa iba’t ibang larangan ng buhay. Isa sa pinakamatinding halimbawa nito ay ang ekonomiya. Tinatayang isang porsyento lamang ng populasyon ang nagmamay-ari ng malaking bahagi ng kayamanan ng bansa, samantalang milyon-milyong Pilipino ang patuloy na naghihirap at walang sapat na kita upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap ay lalo pang lumalawak dahil sa kawalan ng sapat na oportunidad para sa mahihirap na makakuha ng magandang trabaho at edukasyon.

Sa larangan ng edukasyon, makikita rin ang malaking agwat sa kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan. Maraming pampublikong paaralan ang kulang sa pasilidad, kagamitan, at sapat na guro, kaya’t hindi natatanggap ng mga mag-aaral ang de-kalidad na edukasyon na kinakailangan upang maging handa sa hinaharap. Dahil dito, marami sa kanila ang nahihirapang makapasok sa magagandang unibersidad at makakuha ng maayos na trabaho.

Ang ugat ng hindi pagkakapantay-pantay sa Pilipinas ay malalim at komplikado. Isa sa mga pangunahing sanhi nito ay ang korapsyon sa gobyerno. Ang mga pondo na dapat sana’y ginagamit para sa mga programa at proyektong makatutulong sa mahihirap ay napupunta lamang sa bulsa ng ilang mga opisyal. Dahil dito, hindi nabibigyan ng sapat na suporta ang mga sektor tulad ng agrikultura, edukasyon, kalusugan, at pabahay.

Upang matugunan ang problema ng hindi pagkakapantay-pantay sa Pilipinas, kinakailangan ang malawakang reporma at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Mahalaga ang mga makabuluhang reporma sa agrikultura, sistema ng edukasyon, public health system, pati sa social protection. Mahalaga rin na labanan ang korapsyon sa lahat ng antas ng pamahalaan. Dapat tiyakin na ang mga pondo ng gobyerno ay magagamit nang wasto at tama para sa kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mga mahihirap.

Ang mithiin nating isang makatarungan at pantay-pantay na lipunan ay hindi natin makakamit kung business as usual lamang tayo at magbubulag-bulagan sa hirap ng ating mga kapwa Filipino. Paalala ng Gaudium et Spes: Excessive economic and social disparity between individuals and peoples of the one human race is a source of scandal. It militates against social justice, equity, human dignity, as well as social and international peace.

Sumainyo ang Katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 10,337 total views

 10,337 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 14,316 total views

 14,316 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 25,208 total views

 25,208 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 37,650 total views

 37,650 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 48,417 total views

 48,417 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 10,338 total views

 10,338 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 14,317 total views

 14,317 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 25,209 total views

 25,209 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 37,651 total views

 37,651 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 48,418 total views

 48,418 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 47,234 total views

 47,234 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 46,779 total views

 46,779 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 49,003 total views

 49,003 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 42,503 total views

 42,503 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 41,854 total views

 41,854 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 51,468 total views

 51,468 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 57,418 total views

 57,418 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 37,605 total views

 37,605 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 48,724 total views

 48,724 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patatagin ang Pamilya

 70,090 total views

 70,090 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top