159 total views
Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ‘immoral’ ang halik o paghalik.
Gayunman, iginiit ni ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs na maari itong maging isang pagkakataon para sa pagkakasala.
“Kissing per se is not immoral. But, it may be an occasion to sin. There is an innocent kiss and a kiss that’s part of one’s culture,” ayon kay Fr. Secillano.
Paliwanag ng pari, mayroong mga halik na inosente at halik bilang bahagi ng isang kultura.
Gayunman, sinabi ni Father Secillano na kung ang isang bagay ay humahantong sa pagpukaw sa kamunduhan ito ay maaring maging panganib sa kalinisang puri at pagpipigil na maaring humantong sa isang kasalanan.
“They are definitely not sinful. If is something, though, that leads to the arousal of one’s passion, then, we may consider it as a danger to chastity and continence,” paglilinaw ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.
Reaksyon ito ng Pari sa kontrobersyal na paghalik ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Overseas Filipina Worker sa South Korea sa kanyang 3-day visit na umani ng iba’t ibang pagtingin mula sa mga kritiko.
Sa moral na katuruan ng simbahan ang paghalik ay maituturing na kasalanan kung ito ay may kahalayan o may pagnanasa.