Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Integral development

SHARE THE TRUTH

 238 total views

Mga Kapanalig, isang tulog na lang, may bagong administrasyon na tayo.

Sa panig ng 40 porsyento ng botanteng inihalal si Rodrigo Duterte bilang pangulo, maraming umaasang bukas magsisimula ang bagong umaga ng pag-unlad ng ating bayan. Sa panig naman ng 60 porsyento ng botanteng hindi si Ginoong Duterte ang pinili, maraming agam-agam tungkol sa kung anong uri ng pag-unlad ang itataguyod ng bagong administrasyon.

Tingnan natin ang ilang balak ng administrasyong Duterte mula sa pananaw ng konsepto ng kaunlarang buo o “integral development.” Ang integral development ay isa sa walong prinsipyo ng Catholic Social Teaching na inilahad ng Second Plenary Council of the Philippines o PCP-II. Ang integral development, ayon sa PCP-II, ay patungkol sa pangkabuuang paglago ng tao, kasama ang dimensyong espiritwal. Wala raw mabuting dahilan para itaguyod ang kasapatang materyal ng tao sa pamamagitan ng imoral na pagsupil sa mga karapatang pantao, o sa pamamagitan ng pagkakatali sa ibang bansa, na nakapagpapahina sa ating dangal at kasarinlan bilang isang bayan. Kailangan ding tumungo ang kaunlaran sa kabutihan ng buong pamayanan at sa lahat ng kasapi nito, lalung-lalo na sa mahihirap. Ito po ang sinasabi ng PCP-II na mga katangian ng integral development.

Ano ang mga katangian ng kaunlarang ipinangangako ng papasok na administrasyong Duterte? May ilang aspeto ng agendang panlipunan at pangkabuhayan ng bagong administrasyon na tila mga hakbang tungo sa mas patas at desentralisadongn kaunlaran. Isang halimbawa ang pagbabago ng sistemang pambuwis para gawin itong mas magaan para sa mahihirap o “progressive tax reform”. Plano rin ng bagong pangulo na pabilisin ang paggasta ng pamahalaan para sa pagtatayo ng imprastruktura at gawing mas produktibo ang kanayunan. Nariyan din ang pamumuhunan sa kapakanan ng tao o “human capital development,” tulad ng kalusugan, edukasyon, at pagsasanay sa kakayahang pangkabuhayan. Pahuhusayin rin daw ang mga “social protection programs” tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, bagama’t kailangan nitong dumaan sa masusing pagrerepaso.

Ngunit, mula pa rin sa pananaw ng integral development, may ilang aspeto ng agenda ng bagong administrasyon na maaaring hindi lubusang mainam ang ibubunga. Ang mungkahing tanggalin ang mga limitasyon sa dayuhang pamumuhunan ay kailangang masusing pag-aralan. Ang mas malayang pagpasok ng puhunan ng mga dayuhan ay maaaring makalikha ng trabaho, makapagpaakyat sa kita ng karaniwang manggagawa, at magpalakas sa ating merkado. Ngunit maaari rin itong pumatay sa lokal na mga negosyo, magbunga ng pang-aabuso at pag-ubos sa likas na yaman, at lumikha ng mga trabahong mababa ang sahod at hindi magbibigay sa mga manggagawa ng pagkakataong umasenso.

Nakababahala rin ang tila kawalan ng agenda para sa pagtanggol at pagpapatibay sa karapatang pantao. Bagkus, sa mga binibitiwang salita ng ating magiging pangulo at ng ilan sa kaniyang hihiranging tagapamuno sa kapulisan at puwersang sandatahan, tila maaaninag ang kawalan ng pagpapahalaga—pagwawalang-galang pa nga—sa mga karapatang pantao. Madalas bukambibig ni Ginoong Duterte na ipapapatay niya ang mga humahadlang sa kaniyang agenda, maging sila’y kriminal, bulok na pulis, kasapi ng kilusang manggagawa, o aktibista. Ang ganitong pananalita, kahit pabiro, ay hindi tugma sa mmga katangian ng integral development. Hindi rin malinaw ang mga mekanismong ilalatag ng administrasyon upang mapalawak ang pakikilahok ng taumbayan sa pamamahala.

Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang papasok na administrasyon. Gabayan nawa ang ating mga bagong pinuno ng Banal na Espiritu na magpunla ng kaunlarang buo, hindi basag: isang uri ng kaunlarang patas at walang iniiwanan, kaunlarang magpapalakas sa kasarinlang pangkabuhayan ng bansa, at kaunlarang magpapairal sa mga karapatang pantao. Ipagdasal rin natin ang ating mga sarili, na tayo man ay gabayan ng Banal na Espirito sa pakikitungo natin sa bagong pamahalaan, maging ito’y pakikilahok, pagbabantay, pagpuna, o pagtanggol ng mga karapatan natin at ng ating kapwa.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,297 total views

 29,297 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,953 total views

 43,953 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,068 total views

 54,068 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,645 total views

 63,645 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,634 total views

 83,634 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,298 total views

 29,298 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,954 total views

 43,954 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,069 total views

 54,069 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 63,646 total views

 63,646 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,635 total views

 83,635 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,555 total views

 48,555 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,580 total views

 43,580 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,149 total views

 47,149 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,604 total views

 59,604 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,671 total views

 70,671 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,990 total views

 76,990 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,601 total views

 81,601 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,161 total views

 83,161 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,722 total views

 48,722 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,443 total views

 69,443 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top