1,893 total views
Tiniyak ng simbahang katolika ang pagpapaigting sa ugnayan ng pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon at pananampalataya.
Ito ang mensahe ng Dicastery for Interreligious Dialogue ng Vatican sa mga Muslim sa paggunita ng Ramadan.
Batid ni Cardinal Miguel Ángel Ayuso Guixot ang prefect ng tanggapan na maraming hadlang sa pagkakamit ng kapayapaan sa lipunan tulad ng extremism, radicalism, at mga religiously motivated violence na pinalala ng culture of hate.
“We need, then, to find the most appropriate ways of countering and overcoming such a culture, enhancing instead, enhancing love and friendship, in particular between Muslims and Christians, due to the bonds that unite us,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Guixot.
Inihayag ng opisyal na mahalagang pagbutihin ang pakikitungo sa kapwa sapagkat dito magsisimula ang magandang ugnayan sa pamayanan.
Dismayado ang cardinal sa maling paggamit ng social media na sa halip itaguyod ang mabuting pakikipag-ugnayan at komunikasyon ay naging daan sa hindi pagkakaunawaan dahil sa hindi wastong asal na paggamit ng teknolohiya.
Kabilang dito ang diskriminasyon, pang-uusig, kompetisyon gayundin ang pambabanta sa kapwa.
“We cannot prevent and counter the culture of hatred and, instead promote a culture of love and friendship, without a sound education for future generations in all the spaces where they are formed: in the family, at school, in places of worship, and on social media,” ani ng cardinal.
Nagsimula ang Ramadan nitong March 23 at magtatapos sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr hudyat ng pagtatapos sa isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim.
Una nang isinusulong ng Santo Papa Francisco ang pakikipagdiyalogo sa pagitan ng mga komunidad upang maabot ang pagbubuklod ng mamamayan tungo sa mapayapang lipunan.