Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Interesado pa ba ang bise-presidente?

SHARE THE TRUTH

 83,914 total views

Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto.

Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito ng Quezon na si Congressman David Suarez. Ito rin daw ang sentimiyento ng marami niyang kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa halip na dumalo sa plenary debates kung saan bubusisiin ang hinihinging badyet ng Office of the Vice President (o OVP), mas piniling pumunta ni VP Sara sa isang beach resort. 

Kinlaro ito ng OVP. Bago ang plenary debates na itinakda noong isang Lunes, sumulat na raw ang bise presidente sa sponsor ng badyet ng kanyang opisina para sabihing ipinauubaya na lang niya sa mga mambabatas ang pagtalakay at pagpapasya. Ang pagpapalaki ng isyu tungkol sa pagpunta ni VP Sara sa isang beach ay isang pagtatangka raw na sirain ang kanyang reputasyon.

DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6

Para sa mga mambabatas na pumupuna sa ginawa ni VP Sara, bahala na raw ang mga Pilipinong humusga. Anong tingin ninyo, mga Kapanalig?

Ibang usapin ang tila lumalakas na pagpuna ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan kay VP Sara. May mga alingasngas ngang gusto naman talaga nilang patalsikin ang bise-presidente sa kanyang puwesto sa pamamagitan ng impeachment. Siyempre, hindi nila iyon aaminin. Wala raw pulitika, trabaho lang, sabi ng ilang mambabatas, pati ni Pangulong BBM.

Pero ibang usapin din—at mas matimbang pa ngang isyu—ang pagtrato ni VP Sara sa proseso ng pagsasabatas ng badyet ng gobyerno. Sa simula pa lamang ng deliberasyon sa budget proposal ng OVP, mainit na ang naging palitan ng salita ng bise-presidente at ng mga mambabatas. Ayaw niyang tumanggap ng mga tanong mula sa mga kongresista. Sa isang kasunod na pagdinig, tumanggi siyang manumpa sa simula ng hearing, bagay na, ayon sa isang mambabatas, tila nagpapahiwatig na ayaw ng pangalawang pangulo na lumabas ang totoo. Lagi kasing inuusisa ang paggamit ng OVP sa confidential funds nito noong 2022. Kinuwestyon din sa Senado ang hinihiling ng opisina na sampung milyong para sa paglilimbag ng isang librong isinulat daw ni VP Sara. 

Maliban sa tungkuling magpanukala ng mga batas, may tinatawag ding “power of the purse” ang Kongreso. Saklaw ng trabaho nilang magpasá ng batas na magpapahintulot sa ehekutibo na gamitin ang kaban ng bayan para sa mga programa at proyektong gagawin nito sa isang taon. Ang batas na ito ay tinatawag na General Appropriatrions Act, at malaking bahagi ng pagbuo nito ang pagbusisi kung tama nga ba ang mga paggagamitan ng inihahaing badyet. Binabalikan din ang naging performance ng mga opisina para masabing karapat-dapat itong pagkatiwalaan ng pera ng publiko. Ang pagpapasá ng badyet ay kasama sa tinatawag na checks and balances sa pamahalaan.

Kaya mahalagang nakikipagtulungan ang mga nasa ehekutibo sa mga pagdinig tungkol sa inihahaing badyet ng mga opisina nito, kabilang ang OVP. Kung malinis nga naman ang record at maayos ang performance ng isang ahensya, wala naman sigurong dahilan para dedmahin ang mga sumusuri sa badyet at magpapasa ng batas. Ang “mga bagay na totoo… at malinis,” wika nga sa Filipinos 4:8, ay “mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri.” Dapat itong ipagmalaki ng mga pinuno nating tunay na pinahahalagahan ang mga ito. Walang dapat itinatago.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Cathoilic social teaching na Fratelli Tutti, sa pakikipagdiyalogo, natatagpuan natin ang katotohanan. May pamumulitika man o wala, katotohanan ang dapat pinaninindigan ng ating mga lingkod-bayan. Samakatuwid, dapat silang maging laging bukás sa pagsisiyayat at pagsusuri.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 54,671 total views

 54,671 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 65,746 total views

 65,746 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 72,079 total views

 72,079 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 76,693 total views

 76,693 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 78,254 total views

 78,254 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 54,673 total views

 54,673 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 65,748 total views

 65,748 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 72,081 total views

 72,081 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 76,695 total views

 76,695 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 78,256 total views

 78,256 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,915 total views

 44,915 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,576 total views

 67,576 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,152 total views

 73,152 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,633 total views

 78,633 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,746 total views

 89,746 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,745 total views

 85,745 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,447 total views

 73,447 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,929 total views

 81,929 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,988 total views

 74,988 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,912 total views

 81,912 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top