374 total views
Ipinapaalala ng paggunita ng World Refugee Day sa bawat isa na ipagpatuloy ang pagpapadama ng kabutihan sa mga taong kinailangang lumikas sa kanilang mga tirahan ng dahil sa kahirapan, karahasan at digmaan.
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of The Philippines- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa nalalapit na paggunita ng World Refugee Day sa June 20 at World Refugee week simula June 20 hanggang 26.
Ayon sa Obispo, naway patuloy na igalang ang buhay ng bilang kapwa-tao ang refugees na katulad ng lahat ay kawangis ng Panginoon na nangangailangan ng kalinga.
“With the celebration of International Refugee week, we are reminded to be more compassionate, more charitable, and most welcoming with our refugees, they are persons who deserve our respect and help, they’re personifications of Jesus who is telling us ‘I am stranger and you welcome me.” Ayon sa mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Tiniyak din ni Bishop Santos na nakahanda ang CBCP-ECMI sa pag-aagapay sa mga refugees sakaling kailanganin ang tulong ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na makapag-aral, magtrabahao at maging bahagi ng lipunan.
“To help them is to assist them to build their lives and establish homes in us, with CBCP-ECMI as we accept and accommodate them, we work for their integration to the community, works for sustenance and schoolings for their children,” ayon pa sa Obispo.
Ang paggunita ng World Refugee Day ay sinimulan ng United Nations (UN) noong 2001 bilang pag-alala sa ‘1951 Refugee Convention’ upang ipinalaganap ang kamalayan sa karapatang pang-tao ng refugees.
Batay sa ulat United Nations Refugee Agency (UNHCR) na inilathala noong Mayo 2022, umaabot na sa mahigit 100-milyong katao o isang porsiyento a buong mundo ang kinailangan lumikas mula sa kanilang bansa dahil sa pag-iral ng digmaan sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.