21,426 total views
Sisikapin ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage na maging daluyan ng pagpapala ng Panginoon sa sangkatauhan.
Ito ang tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa pagtalaga ng Antipolo Cathedral bilang natataning international shrine sa mundo na nakatalaga sa Mahal na Birheng Maria at kauna-unahan sa Pilipinas at Southeast Asia.
“As recipients of His blessing, we pray and hope that we will be a blessing to others. We will be His channels of graces and instruments of God’s goodness to others,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Iginiit ng obispo na maibahagi sa mananampalataya ang biyayang tinanggap ng Antipolo Cathedral bilang pandaigdigang dambana sa pamamagitan ng mga pastoral at charity programs.
Tinukoy ni Bishop Santos ang pagtanggal ng cathedral sa second collection maliban na lamang sa mga inaatas ng koleksyon ng CBCP para sa mga natatanging misyon ay programa.
“Here in the Cathedral of our Lady of Peace and Good Voyage, we will now eliminate the second collections, except those mandated by the Catholic Bishops Conference of the Philippines. We already abolished the arancel system of funeral blessings and Holy Masses. Everything is now gratis et amore,” ani ng obispo.
Pinalalakas din ng dambana ang Tinapay ni Maria, ang feeding program para sa mga bata at higit nangangailangan sa lipunan tuwing Lunes at Biyernes ng gabi gayundin ang scholarship program para sa mga kabataang nag aaral sa sekundarya at kolehiyo.
Naniniwala si Bishop Santos na ito ay pagsasabuhay sa synodality ng simbahan ang pagsabuhay sa mgs itinuturo at inaatas ng Panginoon.
“With this gift and grace of being the International Shrine of our Lady of Peace and Good Voyage, we know it is our Synodality to help, to heal, and to give hope to all the children of our Blessed Mother as they journey to a better, brighter, and blessed life and future,” giit ni Bishop Santos.
Sa hiwalay na panayam kay International Shrine Rector Fr. Reynante Tolentino nagpasalamat ito sa Panginoon sa biyayang kaloob bilang pagkilala sa dambana bilang international shrine na maituturing na pagkilala ng simbahang katolika sa mayamang debosyon ng mga Pilipino.
“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa napakalaking biyaya nito sa ating dambana na maging international Shrine. Napakalaki ng impact nito sapagkat ina-affirm ng simbahan ang debosyon ng mga tao na kinikalala ng buong simbahan talagang laganap yung debosyon sa Mahal na Birhen,” pahayag ni Fr. Tolentino.
Simabi rin ng pari na mahalagang pagkakataon ang pagdeklarang international shrine lalo’t naghahanda ang Antipolo Cathedral sa ika – 400 taon nang pagdating ng imahe mula Mexico noong 1626 gayundin ang ika – 100 anibersaryo ng canonical coronation sa 2026.
June 2022 nang ideklara ni Pope Francis sa pamamagitan ng Dicastery for Evangelization sector for New Evangelization na pinangangasiwaan ni Archbishop Rino Fisichella ang Antipolo Cathedral bilang international shrine kung saan naging epektibo ang katayuan noong March 25, 2023 habang January 26, 2024 ang solemn declaration sa pangunguna ni Papal Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown.
Bago ang solemn declaration pinangunahan ng nuncio ang pagpuputong ng korona sa imahe ng Birhen ng Antipolo habang binasa naman ni Antipolo Bishop Emeritus Francisco De Leon ang kalatas mula sa Vatican.