Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Inuusig na Obispo at Pari, suportado ng mga layko

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Panalangin ng sambayanan ang mabisang sandata ng mga obispo at pari ng Simbahang Katolika na nahaharap sa pang-uusig dulot na rin ng mga maling paratang.

Ayon kay Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas walang basehan at walang katotohanan ang kasong sedition at cyber libel na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa mga lingkod ng simbahan at ilang miyembro ng oposisyon na kilalang mga kritiko ng administrasyong Duterte.

“We as Sangguniang Layko ng Pilipinas, tayong lahat na miyembro ng Layko, yung mga nabinyagan at nakumpilan ay dapat na ipinapahayag ang ating pagtutol kasi wala itong katotohanan at walang basehan. This is persecution of the Church and we know that,” ayon sa pahayag ni Wasan sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Wasan na kasama ang Sangguniang Layko sa mga nakikiisa sa pagbibigay ng suporta sa mga inuusig na obispo at pari.

Binigyan diin ni Wasan na ang mga inaakusahang lider ng simbahan ay walang hangarin kundi ang bigyang gabay at tulungan ang mga walang tinig sa lipunan lalu ang mga biktima ng War against Drugs ng pamahalaan.

“We need to help our shepherds. We need to support our priests, and our leaders. Nananawagan ako sa mga Layko sa ating bansa, hindi lang dito sa Metro Manila, Luzon, Visayas, Mindanao, pagdasal po natin ang ating mga Obispo dahil oppression na po ito ng ating karapatan bilang tao,” ayon pa sa panawagan ni Wasan.

Tiwala si Wasan na sa pamamagitan ng patuloy at sama-samang panalangin ng mamamayan ay manaig ang katotohanan at katarungan laban sa mga maling paratang.

Kabilang sa mga isinasangkot sa kaso sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao bishop Honesto Ongtioco,Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr., Fr. Albert Alejo, Fr. Robert Reyes at Fr. Flaviano Villanueva.

Una nang minungkahi ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na mag-organisa ng sabayang pagdarasal para sa mga obispo ng simbahang katolika na nahaharap sa kasong sedisyon.

Read: Time to respond!
CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case

Ayon kay Marita Wasan, ang pagdarasal ay payapang pagkilos at makapangyarihang sandata ng mamamayan laban sa mga mapang-usig.

Umaasa naman si Wasan na mananaig ang katotohanan sa kasong iniuugnay sa mga obispo at tiniyak na mangingibabaw ang katarungan.

Nagpahayag din ng suporta sa mga opisyal ng simbahan ang Couples for Christ-Foundation for Family and Life.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 37,196 total views

 37,196 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 48,271 total views

 48,271 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,604 total views

 54,604 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 59,218 total views

 59,218 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,779 total views

 60,779 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 6,930 total views

 6,930 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 11,888 total views

 11,888 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 14,147 total views

 14,147 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 19,285 total views

 19,285 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 19,473 total views

 19,473 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 28,321 total views

 28,321 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 50,620 total views

 50,620 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 48,978 total views

 48,978 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 55,845 total views

 55,845 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 66,909 total views

 66,909 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 64,281 total views

 64,281 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 67,320 total views

 67,320 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 66,682 total views

 66,682 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 76,916 total views

 76,916 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 76,591 total views

 76,591 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top