398 total views
Ito ang pangunahing layunin ng Santo Papa Francisco sa pagbisita sa mga bansa, maging sa mga lugar na kakaunti ang mga Katoliko.
Ayon kay Fr. Greg Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma, tulad ng pagmimisyon ni Pope Francis, ganito rin tinatawagan ang bawat binyagan na ipahayag sa kapwa ang pakikipagkaibigan para sa katiwasayan ng lipunan.
“At ngayon ‘yan ang gagawin natin, yan ang ating misyon sa buhay. Kaya kahit hindi mga Kristiyano kaibigan natin, kahit hindi katoliko kaibigan natin makipag-usap tayo sa kanila, makinig tayo sa kanila kasi marami rin silang magagandang bagay na maibahagi sa atin. At sa gano’ng paraan, sana kung mapansin nila na nakikinig tayo sa kanila,” ayon kay Fr. Gaston.
Ang pagbisita sa Kazakhstan ni Pope Francis ay ang ika-57 bansa na kaniyang dinalaw simula ng hiranging bilang pinuno ng simbahan. Ito rin ang ika-38 Apostolic Visit ni Pope Francis sa 19-taong bilang Santo Papa.
“At itong unity, cooperation na gustong-gusto din ng ating Santo Papa. At ito ‘yung kaniyang hinihingi din sa bawat isa sa atin kaya siya mismo bilang isang halimbawa, siya mismo ay pumunta doon sa Kazakhstan sa isang conference na na-organize para sa mga world leader ng mga iba’t-ibang relihiyon,” dagdag pa ng pari.
Ayon pa kay Fr. Gaston, pagpapakita rin ng pakikinig sa kapwa na ang bawat tao ay may magandang bagay na maibabahagi at matututunan.
Simula September 13-15, binisita ng Santo Papa ang Kazakhstan upang dumalo sa 7th Congress of Leaders of World and Traditional Religions sa Nur Sultan.
Layunin ng pagtitipon ng mga pinuno ng Simbahan ng iba’t ibang relihiyon na isulong ang interreligious dialogue, kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.