163 total views
Ito ang panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Ambo David sa mahigit 4 na libong delegado ng 3rd Philippine Congress on New Evangelization na isinasagawa sa University of Santo Tomas.
Sinabi pa ni Bishop David na makita nawa ng bawat tao ang mukha ni Hesus sa mga nakararanas ng kahirapan at maipadama ang habag at malasakit ng Diyos sa paggawa ng mabuti sa kapwa.
Hinimok rin nito sa mga delegado ng PCNE 3 ngayong Taon ng Awa na maging mga disipulo na naghahatid ng habag at malasakit sa kapwa.
“Para sa akin bahagi ng pag – unawa ay yung mahabag kasi ang pagka – habag ay mabagabag tayo sa kalagayang kaawa – awa. Kung minsan kasi nakakita tayo ng kaawa – awang sitwasyon tapos pagtalikod natin nabura na, wala na. Ang hamon sa ating lahat ay makita ang mukha ni Hesus sa bawat kapwa. At kapag tayo ay natuto na rumesponde kapag tayo ay tumugon ng may awa, unawa at gawa ang mukha ni Hesus ay lumilitaw sa ating mga mukha,” bahagi ng pahayag ni Bishop David sa panayam ng Veritas Patrol sa PCNE 3.