230 total views
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos-Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kasabay ng pagdirirang ng World Refugee Day.
“Refugees are persons, not problems. They are people, not statistics, with personal history, stories of sacrifices and sufferings. With them we must show our compassion and charity. To welcome them to accept Jesus as He says to us “as I was stranger and you welcome me,” pahayag ni Bishop Santos na siyang kinatawan International Migration Commission sa Asia.
Ayon sa Obispo, ang pagkalinga at pagtulong sa Migrante o yaong mga nagsisilikas sa kanilang tahanan dahil sa kahirapan, digmaan at dulot ng kalamidad ay responsibildad hindi lamang ng Gobyerno kundi ng bawat isa.
“They are brothers and sisters in need, and we have to accompany and accommodate them. For we are brothers’ keepers,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.
Noong ika-17 ng Hunyo 2018 ay inilunsad ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Global Week of Action 2018 Share the Journey Campaign sa Binondo Church.
Read: Global Week of Action 2018, inilunsad ni Cardinal Tagle
Umaabot na sa 68.5 milyon ang bilang ng mga refugee sa buong mundo o 45 libo katao ang naitatala sa bawat araw.
Ang ulat ay base sa United Nation Refugee Agency na pagtaas ng bilang mula sa nakalipas na taon na 65.6 milyon kabilang na dito ang 40 milyon na ‘internally displaced’.
Kabilang sa may pinakamaraming bilang ng refugees ay mula sa bansang Syria at Afghanistan, habang pangunahin namang tumatanggap ng mga nagsisilikas ay ang Turkey, Pakistan, Uganda at Lebanon.