24,156 total views
Ito ang tema ng ginanap na Pastoral Assembly ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa mula Pebrero 6-8, 2024 sa Seminario de San Jose, Tiniguiban, Puerto Princesa City, na nilahukan ng nasa 316 na parish lay leaders, religious women, seminarians, at mga pari ng bikaryato.
Ayon kay AVPP Pastoral Director Fr. Joseph Cacacha, ang ‘ipadayon’ ay mula sa diyalekto ng Cuyo, Palawan na nangangahulugang ipagpatuloy, at napiling paksa ng bikaryato bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang sa ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan.
Ibinahagi naman ni Fr. Cacacha na layunin ng pastoral assembly na pagtuunan ang isinagawang synodal consultation ng bikaryato upang maibahagi ang naging resulta at matukoy ang saloobin ng mga mananampalataya.
“Una, binalikan namin ‘yung synthesis report ng Synod at ipinaliwanag sa mga tao ang mga nilalaman ng synthesis report. Nagkaroon kami ng small group sharing para pag-usapan ang feedback ng mga mananampalataya tungkol dito. Pangalawa ay aming binalikan ang pastoral program kasi matapos ‘yung consultation na ginawa noong 2021, minarapat ni Bishop Socrates Mesiona na makapaggawa kami ng five-year plan base doon sa resulta nung aming diocesan synodal consultation,” pagbabahagi ni Fr. Cacacha. Umaasa naman ang pari na ang mga saloobin at mungkahi ng mga mananampalataya sa konsultasyon ay makatulong sa pagbuo ng mga plano para sa bikaryato.
Gayundin ang panawagan ni Fr. Cacacha na buong-pusong gampanan ng mga mananampalataya ang pagiging katiwala ng Diyos tungo sa higit na pagpapayabong ng pananampalataya.
“Inaasahan natin ‘yung ownership ng mga tao na ito ay plano natin. Hindi lang ito plano ng mga pari, hindi lang ‘to plano ni Bishop kun’di ito ay plano natin as a vicariate bilang isang local na simbahan. Atin ito so, nandun ‘yung sense of ownership. Asahan namin na dahil d’yan ay mas magiging masigasig ‘yung bawat mananampalataya na isulong itong aming mga ninanais para sa aming lokal na simbahan,” ayon kay Fr. Cacacha.
Magugunita noong Agosto 2022 hanggang 2023 nang ipagdiwang ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya sa Palawan.