270 total views
Ipinapanalangin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na iadya ang mamamayan sa mga sakunang maaring maranasan ng mundo dulot ng mga natural na kalamidad.
Nawa’y sa tulong at awa ng Panginoon ay malalampasan ng bawat isa ang krisis na idinudulot ng mga naranasang trahedya sa bansa.
Bago matapos ang 2019 nasalanta ng magkakasunod na malalakas na lindol ang North Cotabato at ang Digos Davao Del Sur kung saan bilyong piso nasirang ari-arian kung saan mahigit sampung katao ang nasawi.
Sinalanta rin ng magkasunod na bagyo ang ilang bahagi ng Luzon at Eastern Visayas sa pananalasa ng bagyong Tisoy at Ursula.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa mahigit isang bilyong piso ang nasira sa imprastraktura at sektor ng agrikultura habang mahigit sa isang milyon ang apektadong mamamayan.
Hiling ni Bishop Santos sa Ama ang ibayong pangangalaga at pawiin ang pangamba ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pag-adya sa mas malawak na pinsalang idudulot ng kalamidad.
Binanggit din ng obispo ang kahilingang tuluyang humupa na ang pagligalig ng bulkang Taal upang muling makapagsimula ang mahigit 100,000 katao na lumikas.
Sa pamamagitan ng dakilang pag-ibig ng Panginoon ay tuluyang mapawi at maramdaman ng bawat mananampalataya ang pagiging mapagkalinga ng Diyos.
Prayer of Deliverance from Calamities
O Heavenly Father, we worship and bow down before you. Your word says you will draw near to us when we draw ourselves near to you (James 4:8). We humbly approach your throne believing in the power of prayers. Cleanse us from all our unrighteousness and we beg you to hear our prayers.
O Almighty God, we plead for your mercy in this time of crisis. Display your power and deliver us from further devastation. You rule over all creation. You can calm the storm and still the waves at your command. We pray that volcanic eruptions, flood, typhoon, earthquakes, tsunamis, mudslides, and wildfires around the world be stopped or minimized. Our sustenance comes only from you, O Lord.
We beg that you keep us all safe under your loving and watchful eyes. Pour yourself out upon us so we may open our hearts and pursue you until the end of our lives. All these we ask in the name of your most precious son, Jesus, Amen.
+RCS