324 total views
June 11, 2020, 1:22PM
Hinimok ng obispo ng Military Ordinariate of the Philippines ang mga Filipino na ipagpatuloy ang mga magandang sinimulan ng mga ninuno sa pagkakamit ng kalayaan.
Sa mensahe ni Bishop Oscar Jaime Florencio sa ika – 122 Araw ng Kalayaan, binigyang diin nitong mahalagang pagyabungin ng mga Filipino ang tinatamong kasarinlan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
“As we thank the Lord and then people who made possible the freedom we deserve and enjoy, we need to think and do something coming from us who are enjoying the fruits of the labors of the forefathers. Let us not be contented with what we have now, just as our forefathers thought of us for that reason they did their best, we too must think of the future generations who will follow us,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.
Aniya, dapat pasasalamatan ang Diyos sa biyaya ng kalayaan na tinatamo ng mga Filipino at gunitain ang mga yumaong mga ninuno na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga dayuhang mananakop.
Kakaiba ang pamamaraan ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ngayong taon sapagkat karamihan sa mga inihandang programa ay isasagawa online dahil na rin sa patuloy na umiiral na community quarantine kung saan ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon upang makaiwas sa banta ng corona virus.
Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Kalayaan 2020: Tungo sa Bansang Malaya, Nagtutulungan, at Ligtas; isang pamamaraan din ng pagkilala at pagbibigay pugay sa mga Filipino at Filipino-American medical/non-medical frontliners na sumuong sa panganib upang paglingkuran ang kapwa.
Batay sa kasaysayan lumaya ang Pilipinas noong ika – 12 ng Hunyo 1898 makalipas ang apat na dekadang pananakop ng mga Espanyol.
Sinabi pa ni Bishop Florencio na dapat ipagbunyi ang malayang pamayanan na nakapaghahayag ng mga saloobin.
“It’s a greatness of our being to acknowledge people who have made things possible for us, enjoying our freedom and being able to express and manifest without being curtailed by anyone,” dagdag ni Bishop Florencio.