359 total views
Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya sa buong mundo na patuloy ipanalangin ang kapayapaan sa Ukraine.
Sa mensahe ng Santo Papa umaasa itong sa gabay ng Panginoon ay manaig ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pag-uusap ng magkabilang panig para sa kapakinabangan ng mga residenteng maapektuhan ng kaguluhan.
“Let us continue to implore the God of peace that tensions and threats of war be overcome through serious dialogue, and that the “Normandy Format” talks may also contribute to this. Let us not forget: war is madness!” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Muling nagkaroon ng tensyon ang Ukraine at Russia makaraang magbabala si US President Joe Biden at iba pang European leaders noong Disyembre hinggil sa mahigit 100-libong military personel ng Russia malapit sa Ukrainian border.
Pangamba ng mga lider ang pananakop ng Russia sa Ukraine na maaring makapinsala sa maraming inosenteng mamamayan kung sisiklab ang kaguluhan sa lugar.
Nagsimula ang tensyon ng dalawang bansa na pawang dating Soviet states noong 2013 dahil; sa landmark political at trade deal sa European Union kung sinuspende ni dating President, Viktor Yanukovych ang dayalogo.
Sa datos namang ng United Nations nasa tatlong libong mga sibilyan ang nasawi sa eastern Ukraine dahil sa karahasan mula 2014.
Noong January 26, 2022 pinangunahan ni Pope Francis ang pananalangin para sa kapayapaan ng Ukraine at umaasang isulong ng bawat lider ng mga bansang sangkot ang pakikipagdayalogo upang maiwasang lumalala ang tensyon na magdudulot ng kapahamakan sa mamamayan.
Nanawagan din ang santo papa sa international community na mamagitan at tulungan ang mga bansang umiiral ang tensyon at karahasan para sa kapakinabangan ng lipunan.