874 total views
Nagluluksa and Diyosesis ng Cabanatuan at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang Francisco.
Hinimok ni Cabanatuan Bishop Emeritus Sofronio Bancud ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang nasimulang adbokasiya ni Pope Francis katulad ng pagsunod sa plano para sa mundo ng Panginoon.
Panalangin ni Bishop Bancud sa kabila ng pagpanaw ni Pope Francis ay alalahanin ng bawat mananampalataya ang pagsisilbing pag-asa nito para sa nakakarami upang mapagtagumpayan ang maraming hamon sa mundo.
“His words, his gestures, and his very presence became beacons of light for many. He brought HOPE to those on the margins of society, COMFORT to those wounded by injustice and violence, JOY to those entangled in the fleeting pleasures of the world, and PEACE to hearts burdened by emptiness and unrest. He reminded us—by word and example—that God’s mercy knows no bounds and that the Church is truly a field hospital, tending to the wounded with tenderness and love,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.
Hinimok naman ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipanalangin ang ikakabuti ng simbahang katolika at kaluluwa ni Pope Francis.
Hinikayat din ng Obispo ang lahat na manatiling mahinahon at pagkatiwalaan ang mga susunod na plano ng Panginoong para sa sambayanan.
“Let us together pray for the eternal rest of Pope Francis. We are assured of the guidance of God for his church. We pray for guidance to the cardinals to identify the next Pope that God has chosen for his church,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal din ni Bishop Pabillo ang paggabay ng Panginoon at Espiritu Santo sa mga Cardinal upang mapili ang susunod na pastol ng simbahang katolika na nakaayon sa kaloob ng Diyos para sa sanlibutan.