1,788 total views
Umaapela ang Apostleship of the Seas-Stella Maris Philippines sa pamunuan at may-ari ng Gulf Livestock 1, ang barkong lumubog sa Japan nitong Setyembre na ipagpatuloy ang paghahanap sa mga kawani ng barko na karamihan ay mga Filipino.
Sa pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop-Promoter ng Apostleship of the Seas-Stella Maris Philippines, dapat pangunahan ng Gulf Navigation Holdings ang paghahanap sa nalalabing 40 kawani ng barko na nawawala pa mula nang lumubog ang barko noong ikalawa ng Setyembre.
“We are making a direct and strong appeal to the ship owner GULF NAVIGATION HOLDING to resume the searching and support their respective families in every possible way,” pahayag ni Bishop Santos.
Ang panawagan ng obispo na siya ring vice chairman ng migrants ministry ng CBCP ay kaugnay na rin sa pagdiriwang ng National Maritime Week at National Seafarers’ Day sa ika – 27 ng buwan.
Dahil dito hinimok ni Bishop Santos ang mananampalataya na alalahanin at ipagdasal ang 40 iba pang seafarers na nawawala pa rin lalo’t higit ang kanilang pamilya.
“We continue to pray that others may have somehow survived this tragic incident. Our thoughts and heartfelt empathy go out to all the family members and friends who are anticipating good news at home,” dagdag pa ng obispo.
Matatandaang inihinto ang search and rescue operations sa lumubog na barko dahil na rin sa masamang panahon samantalang 3 dito ang nahanap na, 2 ang ligtas habang isa ang nasawi na kapwa Filipino.
Nanawagan din ang opisyal ng CBCP sa pamahalaan na tumulong na sa paghahanap at makipag-ugnayan sa mga karatig bansa upang maibsan ang lungkot na naramdaman ng mga pamilya.
“We are making an urgent appeal to the Philippine Government to extend any assistance and/or to act on behalf of the heartbroken families to request the neighboring countries in conducting search and rescue within their scope of waters and islands,” ayon pa ni Bishop Santos.
Mensahe ng obispo sa pamilya ng mga seafarers na manatiling kumapit sa Panginoon at ipagdasal ang bawat isa na maging matatag sa gitna ng hamon na kinakaharap.