593 total views
Ito ang buod ng pastoral letter at panawagan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa mamamayan na tulungan ang mga napinsala ng bagyong Karding sa rehiyon ng Luzon.
Isang pagbati ng kapayapaan ni Kristo sa inyong lahat.
Pagkatapos dumaan ang mabagsik na bagyong Karding, kamusta kayong lahat mga ginigiliw kong mga kapatid kasama ang inyong pamilya, at gaundin ang ating pamayanan?
Malawak na pagkasalanta ang iniwan sa atin ng bagyong Karding at napakalaking pinsala ang idinulot sa ating pangkabuhayan. I pray that everyone is safe, most of all, in spite of the heavy devastation that the typhoon has left us.
Pagpalain tayo ng Panginoon at nawa’y ang ating pagtutulungan at pagdadamayan ay magbigay buhay sa ating karanasan sa Diyos na patuloy na kasama natin sa anumang uri ng hamon at pagsubok sa buhay. Ipagpatuloy natin ang ganitong diwa ng pagmamalasakit at pagdadamayan. Ito ang kinakailangan ng sambayanan upang malampasan natin ang marami pang mga hamon na nagdudulot ng malawak na pagkasira, hindi lamang, ng pangkabuhayan kundi lalu na ang BUHAY mismo na siyang kaloob at biyaya ng Diyos.
Maraming salamat sa ating CARITAS Social Action Centers sa mga Parokya, mga LGU’s, civic & religious organizations, at mga kapatid nating nagmamagandang loob. May our presence and assistance, in whatever way we can, to the many who have been harshly affected make manifest through us God’s blessing to all.
God loves us all.
+SOFRONIO A. BANCUD, SSS, DD
Bishop of Cabanatuan