Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

SHARE THE TRUTH

 51,839 total views

Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan. 

Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama ang ilang pulis, mga miyembro ng Philippine Coast Guard, at kinatawan umano ng San Miguel Corporation (o SMC). Ayon sa mga community leaders, paaalisin daw sila sa isla na gustong gawing ecotourism project ng SMC. Inalok din daw sila ng nasabing kumpanya ng ₱100,000 kada pamilya kapalit ng pag-alis sa isla. Humingi ng tulong ang mga residente sa Commission on Human Rights (o CHR) na nagsagawa agad ng konsultasyon nitong mga nakaraang buwan. Inimbitahan ng CHR ang SMC pero hindi ito sumipot.

Ayon sa DAR, nagpunta sila sa Maria Hangin upang ipaliwanag sa mga residente ang desisyon nitong alisin ang isla sa ilalim ng tinatawag na notice of coverage ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (o CARPER). Nagkaroon din daw ng public consultation at mga hearing ang lokal na pamahalaan ng Balabac para pag-usapan ang pinaplanong ecotourism project. Sa mga meeting na ito, nagpahayag ng pangamba ang mga residente sa posibleng pinsalang dala ng proyekto sa kanilang tirahan at kabuhayan. Giit ng mga environmental groups, ang 38 ektaryang Maria Hangin Island ay pinag-iinteresan ng SMC para sa isang 25,000 ektaryang ecotourism project. Itinanggi naman ng kumpanya ang akusasyong security personnel nito mula sa karatig na isla ng Bugsukkung saan may malawak na mga lupaing pagmamay-ari ang kumpanyaang nasabing armadong grupo.

Apektado sa harassment ng armadong grupo ang nasa 130 pamilya, na karamihan ay seaweed farmers. Nasa 30 pamilya na rin ang umalis dahil sa pananakot. Marami na ang nananawagan, pati na si Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa, na mamagitan na ang gobyerno upang itigil ang karahasan at protektahan ang karapatan ng mga katutubo. Dumulog din sila sa National Commission on Indigenous Peoples para bilisan nito ang pagproseso sa ancestral domain claim ng mga katutubo sa isla nang maresolba ang tumitinding alitan sa lupa. 

Sa kanyang mensahe noong 2014, sinabi ni Pope Francis na ang land grabbing o pang-aagaw ng lupa ay isa sa mga kasamaang naghihiwalay sa mga katutubo sa kanilang lupang pinagmulan. Ang paghihiwalay na ito ay hindi lamang pisikal na pag-alis sa kanilang lugar. Para ring inaalisan ng ugat ang kanilang pagkatao, pagkakakilanlan, at paniniwala. Sa pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupang ninuno, nanganganib na mawala ang kanilang paraan ng pamumuhay at malalim na ugnayan sa lupa. 

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang pagtataguyod ng human dignity at solidarity. Sa pagsusulong ng kaunlaran, hindi lamang ang materyal na pangangailangan ng mga mamamayan ang tinutugunan. Hindi dapat balewalain ang karapatan at dignidad ng bawat isa. Lalong hindi dapat isinasantabi ang mga katutubong madalas agawan ng lupa ng mga korporasyon, pulitiko, at mga mayayamang nagmamay-ari na ng malalawak na lupain.

Mga Kapanalig, ayon sa grupong Global Witness noong 2021, mahigit 40% sa mga pinatay na land and environmental defenders sa nakalipas na dekada sa Pilipinas ay mga katutubong ipinagtanggol ang kanilang lupa at ang kalikasan. Huwag sanang humantong sa ganito ang sitwasyon ng mga kapatid natin sa Maria Hangin. Walang pinipiling panahon ang karahasan laban sa mga isinasantabi sa lipunan, kaya patuloy din sana ang pagkilos at pakikiisa natin sa mga panawagang ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol. Gaya ng pahayag sa Mga Kawikaan 31:8-9, ipaglaban natin ang karapatan ng mga api at igawad sa kanila ang katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 32,763 total views

 32,763 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 47,840 total views

 47,840 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 53,811 total views

 53,811 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 57,994 total views

 57,994 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,275 total views

 67,275 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 32,764 total views

 32,764 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 47,841 total views

 47,841 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 53,812 total views

 53,812 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 57,995 total views

 57,995 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,276 total views

 67,276 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,714 total views

 50,714 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 48,959 total views

 48,959 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,267 total views

 99,267 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,735 total views

 108,735 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,155 total views

 80,155 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,414 total views

 86,414 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,731 total views

 100,731 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,098 total views

 86,098 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,689 total views

 73,689 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,291 total views

 86,291 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top