187 total views
Pagkakataon ng mga Katoliko at maging sa may ibang paniniwala na maipakikita ang pagpapahalaga sa kanilang pananampalataya sa ginawang Pambabastos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.
Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications, sa Reaksiyon ng mamamayan sa pambabastos ng Pangulo makikita kung gaano kahalaga sa tao ang kanilang paniniwala at pananampalataya sa Diyos.
“I would even consider it a Blessing, why is it a Blessing because it is an Opportunity for Catholics for Christians, for Philippines even for those different Religions to see how much they value their faith.” Pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.
Magugunitang kinundena ng mamamayan ang pagtawag ni Pangulong Duterte na istupido ang Diyos sa isang talumpati sa Davao City noong nakalipas na buwan.
Sa mensahe ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, hinimok nito ang mga mananampalataya na panatilihing maalab ang pananampalataya sa Panginoon at higit na magtiwala sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Hesus.
Ikinadismaya ng maraming Filipino ang pangungutya ng Pangulo sa Diyos.
Sa ika – 9 ng Hulyo 2018, nakatakdang magpupulong sina Pangulong Duterte at Archbishop Valles upang talakayin ang mga usapin at hindi pagkakasundo ng Simbahan at Pamahalaan.