219 total views
Maging mukha ng awa at habag ng Diyos at maging sensitibo sa paghahayag ng awa.
Ito ang buod ng mensahe ng homiliya ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa banal na misa sa pagbubukas ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM4) na ginanap sa Minor Basilica of Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.
Ayon kay Cardinal Tagle mula sa mga himala na ginawa ni Hesus sa isang kasalanan sa Cana; ang pagpaparami ng tinapay; ang paglakad niya sa tubig; ang pagpapagaling sa isang bulag na bata at pagbuhay sa patay na si Lazarus.
Pahayag ng kardinal, ipinapakita nito na ganitong awa at habag din ang dapat nating ipadama sa bawat ina at pamilyang nawawalan ng anak dahil sa biktima ng human trafficking, prostitution at pagpatay dahil sa pagbebenta ng human organs.
“Jesus wants to be with his Mother, we are the disciples of Mercy so that those who are victimized abandoned and neglected would know that they have family,” ayon pa sa Cardinal.
Sa pamamagitan aniya ng pagiging mukha at sensitibo sa paghahayag ng awa at habag, maging pamilya tayo ng mga biktima ng karahasan na tulad ni Hesus at Maria ay tumugon sa pangangailangan na ito ng mundo.
“Our readings, the beautiful sign revealing Jesus this act of Mercy let us continue showing faces of Jesus to the world through acts of Mercy and like Mary, let us be attentive to those in need and turn to Jesus, ”
“And how lives families and societies, when we do our act of Mercy. Let us not forget it. It is not about us, it is the work of Jesus. So no one may boast, we boast only of our needs for mercy,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.
Tinatayang higit sa 5 libong delegado, local at international ang nagsidalo sa WACOM4 dito Pilipinas na isasagawa sa limang lugar kabilang na sa Manila Cathedral; UST; Malolos; Lipa, Batangas at Balanga, Bataan simula January 16 hanggang 20.
Pinangunahan ng Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto ang misa sa Manila Cathedral kasama sina Cardinal Tagle, mga obispo at pari na mula 80 diyosesis sa bansa maging kinatawan ng simbahan mula sa iba’t ibang bansa.