749 total views
Pormal nang inordinahan si Archbishop Arnaldo Catalan bilang ikalimang Filipinong Nuncio na itinalaga ni Pope Francis sa Rwanda.
Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples ang episcopal ordination habang co-consecrator naman si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.
Sa homiliya ni Cardinal Tagle, inihayag nitong magandang pagkakataon ang ordinasyon ni Archbishop Catalan dahil kasabay ito ng pagdiriwang sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes.
Paalala ng Cardinal sa bagong Arsobispo na kaakibat nito ang malaking hamon na maaring kaharapin subalit hindi dapat ito pangambahan sapagkat mas nananaig ang habag at awa ng Panginoon.
“The mercy of God is always stronger than all the afflictions. And having been encouraged by God’s mercy, encourage others who are probably in more miserable conditions,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Batid ng Cardinal ang sitwasyon sa Rwanda sapagkat ito ang nangangasiwa sa mga mission territories ng Simbahang Katolika.
Samantala muli namang ihinayag ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang kagalagakan para kay Archbishop Catalan na bahagi ng Manila clergy bago manilbihan sa Diplomatic service na itinuturing na biyaya ng arkidiyosesis na ipinagkaloob sa Rwanda lalo’t ipinagdiwang ng bansa ang 500 Years of Christianity.
Bilin ni Cardinal Advincula sa bagong Nuncio ng Rwanda na ipamalas ang kalingang Filipino sa mga mananampalataya sa lugar.
“Wherever you are sent, bring with you the Filipino faith, the Filipino warmth, the Filipino hospitality, the Filipino personalism, the Filipino joy, and the Filipino smile,” ani Cardinal Advincula.
Sa mensahe naman ni Archbishop Catalan bagamat ikinagulat ang paghirang ni Pope Francis nagpasalamat ito sa tiwala at suportang natanggap lalo na sa mga pari ng Arkidiyosesis.
Dalangin din ng Nuncio sa Panginoon ang kalakasan sa bagong misyon na kakaharapin.
“Like all surprises, this nomination is a gift that is totally gratuitous and unmerited, but it is also quite a demanding task. Truly, God did not meet my expectations; he exceeded them. So much that I am at the loss of words to thank Him,” saad ni Archbishop Catalan.
Napiling episcopal motto ng Arsobispo ang “Iuxta Misericordiam Non Deficimus, o “through mercy, we are not discouraged,” na hango sa 2 Corinto 4:1.
Inordinahang pari si Archbishop Catalan noong 1994 at nanilbihan sa Archdiocese of Manila bago pumasok sa diplomatic service noong 2001.
Ilan sa mga bansang pinagsilbihan ng Arsobispo ang Apostolic Nunciatures ng China, Zambia, India, Kuwait, Turkey, Argentina, Canada at Pilipinas.
Bukod kay Cardinal Tagle at Cardinal Advincula dumalo rin sa orindasyon sina Manila Archbishop Emeritus Cardinal Gaudencio Rosales, Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo, mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Luzon sa pangunguna ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at mga pari.
Bukod kay Archbishop Catalan, apat na Filipino pa ang naging kinatawan ng Santo Papa sa iba’t ibang bansa sina si Archbishop Adolfo Tito Yllana bilang Apostolic Nuncio ng Israel at Cyprus at Apostolic Delegate to Jerusalem and Palestine; si Archbishop Francisco Padilla ang kinatawan ni Pope Francis sa Guatemala; Archbishop Bernardito Auza sa Spain at Andorra; habang Apostolic Nuncio Emeritus to Korea naman si Archbishop Osvaldo.