3,834 total views
Hinimok ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto ang mga Pilipino na ipamalas ang kagitingan kahit sa munting pamamaraan.
Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng Pilipinas ng Ika-83 Araw ng Kagitingan na pag-aalala sa kabayanihan ng mga Pilipino higit noong World War II sa naging makasaysayang ‘Fall of Bataan’.
Ayon sa Obispo, maaring simulan sa sarili ang araw-araw na paggawa ng kagitingan upang ipakita ang pagmamahal sa bayan higit na sa Panginoon.
“We celebrate today the 83rd Araw ng Kagitingan (Day of Valor) where we honor the heroism of Filipino and American soldiers during World War II, in an event known as the Fall of Bataan, tayo man ay inaanyayahan sa iba’t ibang uri bg kabayanihang pwede nating maipamalas kahit na sa mumunting pamamaraan, magmula sa mga bata hanggang sa matatanda. Ating alalahanin na ang nagmamahal sa Diyos ay nagmamahal sa bayan,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.
Ayon sa Obispo, nawa ay isabuhay din ang tema ngayong upang sa pamamagitan ng kagitingan na maaring ipamalas sa lipunan ay maisulong ang pagpapaunlad sa bansa.
Paalala ng Obispo sa mga Pilipino na isabuhay ang pagiging makabayan lalu na sa 2025 midterm elections.
“Let us reflect then on how we can contribute for the development of our nation, as an act of being makabayan.
Next month, we will be electing our leaders. Isang batayan ng pagpili ng ating iboboto ay Yung may mga puso para sa bayan. Tunay nga na ating makakamit ang Kaunlaran lalo’t higit sa pamamagitan ng mga liders natin na may malasakit sa bayan,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.
Tema ng pagdiriwang sa ika-83 Araw ng Kagitingan ang “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas”.