271 total views
Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng naitatalang nahawaan ng Corona Virus Disease o COVID 19 na umabot na sa tatlong libo katao habang 107 na ang nasawi.
Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino at coordinator ng Pastoral Care of the Overseas Filipino Community sa Italya, ilang simbahan na rin sa hilagang bahagi ng Italya ang nagkansela ng mga misa bilang pag-iingat.
“Patuloy lang po ang ating dasal para sa mga kaparian at mga OFW dito na sana walang matamaan ng virus. ‘Yan ang ipinagdarasal natin, at ingat-ingat din naman kami dito,” ayon kay Fr. Gaston.
Nagpalabas na rin ng panuntunan ang Pontificio Collegio Filipino bilang bahagi ng pag-iingat laban sa virus.
Read: Pontificio Collegio Filipino Safety Measures against COVID-19
Ang collegio ay ang official residence ng mga paring Filipino na nag-aaral sa Roma at tahanan din sa mga opisyal ng simbahan na bumibisita sa Italya.
Sa kasalukuyan ay may 40 mga pari ang naninirahan sa collegio.
Dagdag pa ni Fr. Gaston, kinansela rin ng dapat sana’y recollection na pangungunahan ng kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’ na nakatakda sana sa ika-15 ng Marso.
“May recollection sana with Cardinal Tagle, marami na nagsign-up all over Italy kaso gawa nga ng cancel ang mga school sabi naming out of respect sa Italian government i-cancel na rin muna namin,” ayon pa kay Fr. Gaston.
Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ng Italya ang suspensyon ng mga klase sa mga paaralan at unibersidad.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Italya ang bansa sa Europa na may pinakamaraming bilang ng naitalang nagpositibo sa COVID 19 sunod sa China kung saan nagsimula ang epidemya.