Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipanalangin ang pagkakaroon ng Obispo sa mga lugar na sede vacante-CBCP

SHARE THE TRUTH

 25,588 total views

Hinihikayat ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga mananampalataya na manalangin para sa biyaya ng pagkakaroon ng mga obispong mangangasiwa sa mga diyosesis lalo’t higit sa mga lugar na sede vacante.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Bishop David sa naganap na funeral mass ni Davao Archbishop-emeritus Fernando Capalla noong ika-15 ng Enero, 2024 kung saan inalala at ipinanalangin din ni Bishop David ang apat na mga Obispo na namayapa kamakailan lamang kabilang na si Gumaca Bishop Victor Ocampo, Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, at Pagadian Bishop Ronald Lunas.

Nawa ayon kay Bishop David ay patuloy na gabayan ni Archbishop Capalla na naging Obispo sa edad na 40-taong gulang ang Simbahang Katolika sa pamamagitan ng pagiging tagapamagitan sa panalangin ng sambayanan para sa pagkakaroon ng mga bagong pastol ng bansa.

“Since last year we have lost 4 brother bishops, 3 active and relatively younger once like Bishop Victor Ocampo of Gumaca, Bishop Enrique Macaraeg of Tarlac, and Bishop Bong Lunas, and one emeritus our beloved Archbishop Nanding. Now we have nine vacant dioceses waiting for a bishop and so I ask you to please pray hard that new bishops be appointed soon to fill up the vacancies. I make that prayer asking for Archbishop Nanding Capalla who became a bishop at the young age of 40 to intercede for us.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop David.

Sa kasalukuyan ay siyam na diyosesis sa bansa ang sede vacante-ito ay ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, Catarman at Diyosesis ng Pagadian.

Inaasahan ding sa mga susunod na taon ay ilang obispo pa sa bansa ang magreretiro sa pagtuntong sa mandatory retirement age na 75 taon.

Sa tala ng Radyo Veritas Catholink, dalawang obispo sa Pilipinas ang magdiriwang ng ika-75 taon ngayong 2024, ito ay sina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ngayong buwan ng Enero at Infanta Quezon Bishop Bernardino Cortez sa darating na Hulyo.

Bagama’t nasa 75-taon at higit pa, apat na obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy pa ring nangangasiwa sa kanilang diyosesis na kinabibilangan nina Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona (77-taong gulang); Virac Bishop Manolo Delos Santos (76-taong gulang); Cubao Bishop Honesto Ongtioco (75-taong gulang) at Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud (75-taong gulang).

Nasasaad sa Canon 401 ng Code of Canon Law na kinakailangang magsumite ng liham-pagbibitiw ang mga obispo pagsapit ng edad na 75-taon gulang, bagama’t ang Santo Papa pa rin ang magpapasya kung tatanggapin o hindi ang pagreretiro ng mga obispo.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 1,654 total views

 1,654 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 8,777 total views

 8,777 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 15,980 total views

 15,980 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 21,334 total views

 21,334 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 28,940 total views

 28,940 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 54 total views

 54 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 504 total views

 504 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 537 total views

 537 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 1,982 total views

 1,982 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 6,672 total views

 6,672 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

 7,330 total views

 7,330 total views Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 6,572 total views

 6,572 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

No one is above the law

 9,209 total views

 9,209 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang sinuman ang mas nakahihigit o nakatataas sa batas. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines kaugnay sa sitwasyon sa Davao City dulot ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Kingdom

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

 8,659 total views

 8,659 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa. Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Huwag kalimutan si Ninoy

 14,206 total views

 14,206 total views Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na dulot ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ito ang pahayag ng Obispo sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng pagkamatay ng dating mambabatas at national hero ng bansa. Ayon kay Bishop Bacani, mahalagang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Anti-political dynasty group, ilulunsad

 14,389 total views

 14,389 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naaangkop lamang na makibahagi ang Simbahan sa mahahalagang usaping panlipunan na makakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace kaugnay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Cubao, nakiisa sa Quezon City Day

 13,931 total views

 13,931 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Diyosesis ng Cubao sa paggunita ng Quezon City sa ika-146 na taong kapanganakan ng tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco,naangkop na patuloy na alalahanin at kilalanin ang mahalaga at natatanging kontribusyon ni dating Pangulong Quezon sa pagpapatatag

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Patuloy na pananalangin para sa kapayapaan, panawagan sa mananampalataya

 15,251 total views

 15,251 total views Nanawagan ang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng patuloy na pananalangin para sa kapakanan at kabutihan ng bansa. Ito ay kaugnay na rin sa pagtatapos ng 50-Day Rosary Campaign for Peace, bilang panalangin ng sambayanan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa West Philippine Sea. Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres at Naga-LGU, lumagda sa kasunduan

 16,598 total views

 16,598 total views Opisyal na lumagda sa kasunduan ang pamunuan ng Archdiocese of Caceres at lokal na pamahalaan ng Naga City para sa paghahahanda sa nalalapit na paggunita ng Peñafrancia 2024. Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang naganap na Peñafrancia 2024 Multi-agency Cooperation Group Memorandum of Agreement signing and meeting na dinaluhan ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Human rights violations, talamak pa rin sa Pilipinas

 19,315 total views

 19,315 total views Napapanahon pa rin ang misyon ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) makalipas maitatag 50-taon noong panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos Sr. Aminado si TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., na isang kabalintunan ang pagdiriwang ng isang human rights organization ng ika-50 anibersaryo dahil nangangahulugan ito ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top